^

PM Sports

NU, Arellano sumosyo sa FEU

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lumutang muli ang ba­ngis ng National University Lady Bulldogs nang maglaro sila ng kumpleto sa kinuhang 25-23, 26-24, 25-19 pa­­nalo laban sa nagde­depensang FEU Lady Ta­maraws sa Shakey’s V-League Season 12 Col­legiate Conference ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Dindin Mana­bat at Myla Pablo ay nagbalik sa NU matapos mawala sa huling da­lawang laro ng kopo­nan nang makasama sa koponang nag­laro sa Vietnam upang ma­ki­­pagtuwang kay Ja­ja San­­tiago para sa hindi ina­­­asahang straight sets win laban sa FEU.

Ang kumbinsidong panalo ay tila pambawi matapos talunin ng Lady Tamaraws ang La­dy Bulldogs sa kampeonato noong nakaraang taon sa ligang inorga­nisa ng Sports Vision ka­tuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Winalis naman ng Ateneo La­dy Eagles ang Group B mula sa 25-16, 25-14, 25-13 panalo laban sa TIP.

“Alam namin mala­kas sila at defending cham­pion sila kaya ti­ni­yak namin na may re­ceive kami at may co­verage sa bawat palo nila,” wika ni Pablo na may 13 puntos mula sa 10 kills, 2 blocks at 1 ace.

May anim na digs pa siya para makatulong sa depensa.

May 15 puntos, tampok ang 14 kills, si Ma­nabat habang, si Santia­go ay may tig-tatlong blocks at aces patungo sa 10 puntos.

Sa pagkakaroon ng iba pang spikers, ang set­ter na si Rica Diolan ay may 24 excellent sets, habang ang li­be­rong si Fatima General ay may 10 digs at 16 excellent receptions.

Tanging si Remy Pal­ma lamang ang nasa double-digits mula sa kanyang 10 puntos para sa FEU.

Natapos ang apat na sunod na panalo ng Lady Tamaraws upang magsalo sila ng Lady Bulldogs sa liderato ng Group A.

Pinabagsak ng Arellano Lady Chiefs ang University of the Philip­pines Lady Maroons, 25-23, 27-29, 25-23, 25-22, para ma­ki­sosyo sa una­han.

ACIRC

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LA

FATIMA GENERAL

GROUP A

GROUP B

HOME ULTERA

LADY

LADY TAMARAWS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with