^

PM Sports

LeBron nagbigay ng time sa Twitter fans

Pang-masa

MANILA, Philippines – Mula sa kanyang pagbabakasyon, binigyan ni LeBron James ng panahon ang kanyang mga fans sa pamamagitan ng question and answer portion sa Twitter.

Nagbabad ng halos isang oras si James sa Twitter para sagutin ang 40 questions.

Nakakatuwa ang ibang sagot ni James na gumagamit ng account name na @KingJames at narito ang ilang bagay na nalaman tungkol sa Cavs star player.

Tungkol sa tanong kung gagawin niya ang pelikulang Space Jam 2 na unang ginawa ni Michael Jordan: @KingJRob21-- Maybe.......Guess we’ll just have to wait and see.#LooneyToonsRock--@KingJames

Tila nagpapa-atat lang si James dahil may balitang nakipagkasundo na siya sa Warner Bros. na siyang gumawa ng unang Space Jam.

Sa tanong kung ano ang pakiramdam ng laging natatalo: @kylepronick2 -- Not sure cause I do more winning than losing my friend--@KingJames

Base sa mga records, nanalo ang mga koponang pinaglaruan ni LeBron ng 719 beses sa 1089 regular season at playoff games.

Sa tanong kung posible ba siyang maglaro sa NFL: @Rudolphhh -- Naw they have more than enough over in that sport, don’t need me! Love it still though--@KingJames

Kumikita na ng $20 million per year sa NBA at kinikilala na siyang “best player on the planet” kaya hindi na niya kailangang maglaro ng football.

Sa tanong kung anong paborito niyang movie: @frannyleee -- Trainwreck, 40 year old virgin, Ol school, Friday, Coming to America-- @KingJames’

In fairness, marami ang nanood ng kaka-release lang  na Trainwreck kung saan bahagi siya ng pelikula.

Sa tanong kung anong ibang team na ikokonsidera niyang lipatan: @mfadel -- LA,NY,Chi,Bos,GS -- KingJames.

Posibleng lumipat si James sa New York o Los Angeles kasi isang taon lang ang pinirmahan niyang kontrata sa Cleveland  one-year deals at puwedeng-puwede niyang iwanan ang  Cleveland anumang oras.

Sa tanong ng isang fan kung magbibigay siya ng kotse at pera: @StevenRamirezzz -- ok no problem! Both of them are on the way now--@KingJames

Ang saya siguro ng fan na ito kung tototohanin ni James ang tweet niya.

Sa tanong kung sino ang mga paborito niyang teammate: @conr_rich -- Ray Allen, @chrisbosh @kevinlove @KyrieIrving just to name a few--@KingJames

Hindi lingid sa marami na may isyu sina Love at James.

Sa tanong kung hanggang kailan tatagal si LeBron  sa  UFC Women’s Bantamweight Champion  na si Ronda Rousey: @DatDudeDHoov -- As long as she wanted me to last. I wanted to introduce myself to her at the ESPYs but didn’t want her to kick my butt.-- @KingJames

Smart answer para kay James dahil marami ang humanga kay Rousey nang hamunin niya si Floyd Mayweather Jr.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BANTAMWEIGHT CHAMPION

FLOYD MAYWEATHER JR.

JAMES

KINGJAMES

KUNG

LOS ANGELES

MICHAEL JORDAN

SPACE JAM

TANONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with