^

PM Sports

EAC Spikers pasok sa quarterfinals

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ikatlong sunod na panalo ang  nakuha ng Emilio Aguinaldo College Generals sa Spikers’ Turf Collegiate Conference sa pamamagitan ng 25-22, 26-24, 25-17 tagumpay sa Mapua Cardinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Napalaban man sa second set ay sapat pa rin ang puwersa ng Ge-nerals upang maigupo ang Cardinals tungo sa straight sets panalo at manatiling nasa unahan ng Group A sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Naghatid si Ho-ward Mojica ng 19 puntos at isa lamang ang hindi niya kinuha sa pag-atake habang sina Keith Melliza at Isarael Encina ay may 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa panalo ng NCAA titlist.

Si Melliza ay mayroong limang digs at 11 excellent reception para pangunahan ang depensa ng koponan.

Ang Cardinals ay natalo sa ikatlong sunod na pagkakataon at nahaharap sa must-win sa huling dalawang asignatura para manatiling buhay ang paghahabol ng upuan sa quarterfinals sa 12-koponang liga.

Si Philip Michael Bagalay ay may 16 puntos, tampok ang 14 kills, pero ang sumunod na best scorer ng Cardinals ay si guest player Neil Flores sa  kanyang walong puntos.

Sinuwerte pa ang Generals dahil nanalo ang FEU Tamaraws sa UE Warriors,19-25, 25-20, 25-19, 25-18 sa isa pang laro para umabante na rin sa quarterfinals.

Ito ang unang panalo ng Tamaraws matapos ang tatlong laro habang ang Warriors ay nakasama ng Cardinals sa 0-3 marka. (AT)

vuukle comment

ANG

ANG CARDINALS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GROUP A

HOME ULTERA

ISARAEL ENCINA

KEITH MELLIZA

MAPUA CARDINALS

NEIL FLORES

SAN JUAN CITY

SI MELLIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with