Daye kukunin ng Atlanta
ATLANTA -- Inaasahang papipirmahin ng Hawks si forward Austin Daye para sa season, wika ng source sa Yahoo Sports.
Ang 6-foot-11 at 220-pound forward na si Daye ay nauna nang lumagda ng dalawang 10-day contracts sa Atlanta.
Siya ay nagtala ng mga averages na 3.0 points at 1.4 rebounds ngayong season para sa Hawks, ang Southeast Division champion.
Ang six-year NBA veteran ay nakita din sa 26 games para sa San Antonio Spurs ngayong season bago pakawalan.
Si Daye ang 15th pick overall noong 2009 NBA draft ng Detroit Pistons.
- Latest




















