^

PM Sports

Gusto nang tapusin ng Adamson Batters

Pang-masa

Laro Ngayon (Rizal Memorial Baseball Stadium)

9 a.m. – UP vs AdU (finals)

MANILA, Philippines – Tangka ng Adamson University ang ikalimang sunod na titulo sa muling pakikipagharap sa University of the Philippines ngayon sa UAAP Season 77 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Umaasa si Lady Falcons coach Ana Santiago na makakamit na nila ang titulo sa Game Two ngayon na nakatakda sa alas-9:00 ng umaga upang hindi na bigyan pa ng pag-asa ang Lady Maroons.

“We will make some adjustments,” sabi ni Santiago na karamihan sa kanyang mga players ay galing ng Bacolod.

Sa kartang 61-0 slate sapul noong 2011, asam ng thrice-to-beat Lady Falcons ang ika-14th overall softball title sapul nang isama ng UAAP ang naturang sport sa kanilang calendar of events noong 1995.

Sa tulong ni reigning MVP Annalie Benjamen na nag-strike-out ng 12 batters, dinomina ng Adamson ang UP, 6-0 sa finals opener noong Martes.

Dahil kailangang talunin ng tatlong beses, one inning at a time ang diskarte ng UP.

“We will bounce back, that’s the plan,” sabi ni UP coach Kiko Diaz.

Bukod pa sa impresibong pitching ni Benjamen, maganda rin ang hitting ng Adamson matapos magdeliber sina Queenie Sabobo at Krina Paguican sa Game 1.

Para mapatagal ng Lady Maroons ang season, kailangang pag-ibayuhin ni pitcher Cochise Diolata ang kanyang laro kasama sina sluggers Isabelle Mendoza at Chantel Bongat.

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY

ANA SANTIAGO

ANNALIE BENJAMEN

CHANTEL BONGAT

COCHISE DIOLATA

LADY FALCONS

LADY MAROONS

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with