^

PM Sports

Umpisa na ang laban ng Asamson at UP batters

Pang-masa

Laro Ngayon (Rizal Memorial Baseball Stadium)

9 a.m. – AdU vs UP (softball finals)

MANILA, Philippines – Puntirya ang kanilang ‘five-peat’, lalabanan ng Adamson University ang University of the Philippines sa pagsisimula ng kanilang championship series para sa UAAP Season 77 women’s softball sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nagposte ng 12-game sweep sa elimination round at tangan ang matayog na 60-0 record simula noong 2011, hangad ng Lady Falcons, may bitbit na ‘thrice-to-beat’ advantage, na makuha ang una sa dalawang panalo laban sa Lady Maroons para makalapit sa kanilang title No. 5 at ika-14 sa kabuuan.

Magtatagpo ang Adamson at ang UP ngayong alas-9 ng umaga.

“Hindi kami puwedeng maging complacent against UP, naipakita naman nila na karapat-dapat din sila sa finals,” sabi ni Lady Falcons coach Ana Santiago.

Nagmula ang Adamson sa 13-day break matapos maitala ang kanilang ika-12 sunod na panalo sa season nang talunin ang National University, 13-2, sa four innings papasok sa championship phase.

Kinailangan naman ng No. 2 Lady Maroons na manalo sa decider laban sa third-ranked University Santo Tomas sa stepladder semis via mercy rule, 9-1, noong Linggo papunta sa finals.

“We are prepared to beat Adamson,” wika ni UP coach Kiko Diaz. “If Adamson wins, we give it to them, but we will do our best to win.”

Kung mananalo ang San Marcelino-based clouters laban sa Lady Maroons ay tuluyan na nilang makakamit ang ‘five-peat’ sa pamamagitan ng panalo sa Huwebes.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY

ANA SANTIAGO

IF ADAMSON

KIKO DIAZ

LADY FALCONS

LADY MAROONS

LARO NGAYON

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with