^

PM Sports

2-sunod na panalo sa Cebuana, KeraMix

Pang-masa

MANILA, Philippines - Maagang kumilos ang Cebuana Lhuillier tungo sa 118-78 pananalasa sa MP Hotel para kunin ang maagang liderato sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Arena sa Pasig City kahapon.

Naging dominante ang Gems sa first half performance laban sa batang koponan ng Warriors para sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang makapigil-hiningang 86-85 panalo kontra sa Café France Bakers noong Lunes.

Tumapos si Moala Tautuaa, pumukol ng marginal basket sa kanilang naunang panalo ng 11 points, si  Jackson Corpuz ang siyang kumayod ng husto para magtapos na may 26 points habang sina Norberto Torres at Almond Vosotros ay may tig-15 points.

Nagpakawala ang Cebuana ng 30 points  sa opening quarter at nilimitahan nila ang MP Hotel sa 13 points lamang tungo sa panalo.

Pumukol naman ng pitong triples ang Kera Mix sa second half  tungo sa 89-71 panalo kontra sa ATC Liver Marin-San Sebastian College para makisalo sa liderato sa Cebuana.

Nagtala ang Mixers ng 28-13 lead sa first quarter bago nagpaulan ng tres sa second half upang makalayo sa Liver Marin na naghabol sa third quarter, tungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Nagkaroon ng gulo sa laban nang magkagirian sina Raymond Jamito ng KeraMix at Choi Ignacio ng Liver Marin sa huling bahagi ng late third quarter kung saan napatalsik sa laaro ang Mixers player dahil sa ikalawang flagrant foul 1.

Nagtala si Jamil Ortuos-te ng 18 points habang nagdagdag si Jovit dela Cruz ng 14 para sa Liver Wonders na bumagsak sa 0-2, katabla ang MP Hotel.

Kumuha rin ng atensyon ang Cagayan Rising Suns sa 75-70 panalo laban sa AMA University Titans sa isa pang laro.

Gumawa ng 16 points  sa fourth quarter si Abel Galliguez para hindi maubusan ng pagkukunan ng puntos ang Rising Suns nang maghabol ang Titans.

ABEL GALLIGUEZ

ALMOND VOSOTROS

CAGAYAN RISING SUNS

CEBUANA

CEBUANA LHUILLIER

CHOI IGNACIO

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FRANCE BAKERS

JACKSON CORPUZ

LIVER MARIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with