^

PM Sports

2 American coaches tutulong sa athletics

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang pangunahing American running coaches ang magtuturo sa 12 mi-yembro ng national coaching staff at tutulong sa paghahanda ng 33 miyembro ng national pool para sa darating na Southeast Asian Games.

Mag-oobserba sina US coaches Dick Beardsley at Bill Schnier sa ginagawang pagsasanay ng mga national athletes gayundin sa kanilang kampanya sa nalalapit na Philippine National Open Invitational Championships.

Matapos ang kompetisyon ay ibabahagi nina Beardsley at Schnier ang kanilang mga kaalaman para makatulong sa mga national coaches at athletes.

Makakasama ng retiradong marathon champion na si Beardsley, ikalawang beses nang nakarating dito sa Pinas, ang University of Cincinnati track mentor na si Schnier sa pagtulong sa paghahanda ng mga coaches at athletes para sa Singapore SEA Games sa Hunyo.

Dumating sina Beardsley at Schiner sa bansa noong nakaraang Huwebes at mamalagi sa loob ng tatlong buwan at masasaksihan nila ang four-day trackfest na nakatakda sa Marso 19-22 sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Sinabi ni Philippine Amateur Track and Field Association president Philip Ella Juico na ang pagbisita ng dalawang American coaches sa bansa ay mula na rin sa imbitasyon ng Philippine Sports Commission.

“We are making arrangements on how they can help,” wika ni Juico matapos makausap sina Beardsley at Schnier kasama ang iba pang coaches sa Astoria Plaza sa Ortigas Center.

Kilala ang 58-anyos na si Beardsley sa pagtatala ng kanyang oras na 2:09:37 noong 1981 Grandma’s Marathon, isang record na nanatili sa loob ng 33 taon bago ito nabasag noong 2014.

Nakausap ni Beardsley, nagposte ng 13 sunod na personal best sa marathon, si retired local marathon champion Roy Vence at makakasama sina national team members Mary Joy Tabal at Mary Grace de los Santos sa workout sa Antipolo.

Sa tulong ni patron Jim Lafferty, inaasahan ding matutulungan ni Beardsley sina long-distance champions Eduardo Buenavista at Eric Panique.

Ihahanda naman ni Schnier, naging coach ng maraming Olympians sa US, ang mga track athletes para sa Philippine Open.

Nakausap na niya sina national coaches Dario Darosas, Agustin Jarina, Ojon Artiaga, Ernie Candelaria, Jeoffrey Chua, Lerma Gabito, Joebert Delicano, Arnold Villarube, Nixon Mas at Emerson Obiena.

“This gives me an idea on who is out there. This is going to be helpful,” sabi ni Schnier.

Tutulungan din ni Schnier ang PATAFA sa pagdaraos ng mga kompetisyon base sa international standards pati na sa paghahanda ng long-term program nito.

Ang National Open ang inaasahang magiging preview ng 2015 Southeast Asian Games.

Higit-kumulang sa 1,500 top-rated athletes mula sa Asia, kasama dito ang 80 hanggang 90 mula sa Japan, Korea, China, Chinese Taipei, Hong Kong, Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Singapore, Brunei at host Philippines ang mag-aagawan para sa medalya sa four-day trackfest.

AGUSTIN JARINA

ANG NATIONAL OPEN

ARNOLD VILLARUBE

ASTORIA PLAZA

BEARDSLEY

BILL SCHNIER

CHINESE TAIPEI

NATIONAL

SCHNIER

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with