^

PM Sports

Back-to-back sa Lady Eagles

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi sapat ang mas determinadong laro ng La Salle Lady Spikers para ma­purnada ang makasay­sayang pagtatapos na tar­get dagitin ng Ateneo Lady Eagles.

Napaganda ang matinding work out na nakuha ng Lady Eagles sa first set para kunin ang 25-22, 25-17, 25-23 panalo at makumpleto ang 16-0 sweep sa 77th UAAP women’s volleyball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nasa 20,705 fans ang nanood at si Alyssa Valdez ay naghatid ng kanyang regular na numero para maibigay sa koponan ang ikalawang sunod na titulo.

May 19 kills at 1 block si Valdez at siyam rito ay ginawa niya sa first set para biguin ang Lady Spikers.

Matatandaang yumu­kod ang La Salle sa Ate­neo sa Game One, 18-25, 19-25, 19-25, noong Mi­yer­kules.

Nang malimitahan si Valdez ay nagtuluy-tu­loy pa rin ang puntos pa­ra sa Lady Eagles dahil kina Bea De Leon, Amy Ahomiro at Michelle Mo­rente.

Ang tatlo ay naghtid ng tig-10 puntos at sina De Leon at Ahomiro ay nabiyayaan ng mga quick sets galing kay Julia Morado.

Ang itinanghal na Best Setter ng liga na si Morado ay tumapos bitbit ang 32 excellent sets mula sa 84 attempt.

“Every championship, magkakaiba ang feeling. This championship is special dahil this is history for Ateneo and we’re so happy to get it,” wika ni Valdez.

Tinanggap ni Valdez ang kanyang ikalawang sunod na Most Valuable Player title.

Si Ahomiro ang na­big­yan ng Finals MVP dahil na rin sa kanyang so­lidong depensa.

Sina Denise Lazaro, Ella de Jesus at Aeriel Patnongon ay ma­mamaalam naman sa koponan bit­bit ang dalawang sunod na ti­tulo.

“Hindi ko akalain na magagawa namin ito. Very fulfilling dahil nag­bu­nga ang pinaghirapan na­min all year,” wika ng li­bero na si Lazaro.

Nagtala si Lazaro ng 16 excellent digs mula sa 36 attempts bukod sa 8 excellent receptions.

Sinikap ng La Salle na ikalat ang opensa sa hanay ng kanilang mga manlala­ro.

Patunay nito ay ang ka­walan ng manlalaro na nasa double digits.

Ngunit ang kawalan ng maaasahang manlalaro kagaya ni Ara Galang sa di­kitang endgame ay inin­da ng koponan.

Nalasap ng La Salle ang kanilang ikaanim na sunod na pagkatalo sa pagsagupa sa Ateneo mu­­­la sa huling dalawang pag­kikita noong Season 76 Finals.

AERIEL PATNONGON

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ARA GALANG

ATENEO

LA SALLE

LADY EAGLES

SHY

VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with