^

PM Sports

Arellano pep squad nakatikim ng NCAA cheerdance title

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpamalas ang Arellano University pep squad ng impresibong routine upang maungusan ang perennial champion na Perpetual Help para makopo ang kanilang unang cheerleading title sa 90th NCAA season na nagtapos sa MOA Arena sa Pasay City kahapon.

Ang Chief Squad ay umani ng 405.5 points para talunin ang Perps Squad ng isang puntos lamang na tumapos sa limang taong dominasyon ng Perpetual at pambawi sa dalawang sunod na runner-up finishes.

“Nakaka-pressure mag-perform pero sinabi ko sa mga bata na galingan nila at nagawa naman nila,” pahayag ni Arellano coach at choreographer Lucky San Juan.

‘Di tulad sa mga nakaraang season, mas mahirap ang mga stunts ng Perps ngayon ngunit marami silang  naging pagkakamali.

Matapos ihayag ang desisyon, nagdiwang ang kampo ng Arellano at ang iba ay nag-iyakan pa.

Ang panalo ng Arellano ay nagkaloob sa kanila ng P100,000 premyo habang nagkasya ang Perpetual sa P75,000. Ang St. Benilde ang third placer sa kanilang 359.5 point para sa P50,000.

ANG CHIEF SQUAD

ANG ST. BENILDE

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

LUCKY SAN JUAN

MATAPOS

NAGPAMALAS

PASAY CITY

PERPETUAL HELP

PERPS SQUAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with