^

PM Sports

Excited na ang lahat

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Siguradong excited na ang lahat sa laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa May 2 sa Las Vegas Nevada.

Five years in the making ang laban na ito.

Ilang beses na nagnegosasyon pero hindi nagkakasundo dahil sa iba’t ibang demand ni Mayweather na ayaw ni Pacquiao.

‘Yun pala, papaubaya rin si Manny bandang huli para matuloy ang laban.

Pero marami ngayon ang may iba’t ibang haka-haka tungkol sa laban.

Na kesyo pinaatat lang ng dalawa ang mga tao para mas lalong lumaki ang laban at mas lalong lumaki ang kanilang kikitain.

Alalahanin natin na ang laban na ito ay sinasabing sisira sa lahat ng record sa kasaysayan ng boxing.

At dahil dito, sinasabing hindi lang isang beses maghaharap sina Pacquiao at Mayweather.

May teyoryang, tatlong beses maghaharap ang dalawang pinakasikat na boksingero ngayon.

Kaya ang unang laban ay alin man sa kanila ang mananalo.

Sa ikalawang laban ay mananalo ang isa.

At ang totoong laban ay ang kanilang ikatlong paghaharap.

Sa ikatlong laban magkakaalaman kung sino talaga sa kanilang dalawa ang hari ng boxing.

Sinasabi ring isa sa mga labang ito ay gagawin dito sa Pinas.

Posibleng magkaroon ng ikalawang “Thrilla in Manila’ na nangyari noong 1975 nang magharap sina Muhammad Ali and Joe Frazier sa Araneta Coliseum.

Sa tatlong labang ito, ilang milyong dolyares ang kikitain nina Pacquiao at Mayweather.

It’s worth the wait nga naman.

Pero mas maganda sana kung nangyari ito noong medyo bata-bata pa sila.

 

ARANETA COLISEUM

FLOYD MAYWEATHER JR.

LABAN

LAS VEGAS NEVADA

MAYWEATHER

MUHAMMAD ALI AND JOE FRAZIER

PACQUIAO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with