^

PM Sports

Rigondeaux bagong sparmate ni Manny?

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng matuloy na ang sukatan nina Manny Pacquiao at ng Cuban boxer Guillermo Rigondeaux.

Lumutang sa internet ang pangalan ng two-time Olympic gold medalist at kampeon sa WBA at WBO super bantamweight division bilang isa sa inaasinta ni Freddie Roach bilang sparmate sa  ikalawang bahagi sa sparring session ni Pacquiao sa paghahanda laban kay pound  for pound king Floyd Mayweather Jr.

Si Rigondeaux ay dating sinasanay ni Roach  at noong 2010 ay sabay sila ni Pacman na nagsanay pero hindi sila sumailalim sa sparring.

Ninais noon ni Rigondeaux na makipag-sparring kay Pacquiao ngunit hindi ito pinahintulutan ni Roach.

May taas lamang na 5’4” ang Cubano at mas mababa ng dalawang pulgada kay Pacqiuao. Mas magaan din ang nilalabanan timbang nito kumpara  kay Pacquiao na nasa welterweight division.

Pero may maitutulong si Rigondeaux dahil kilala ito bilang isang mahusay na counter puncher na siya ring taglay ni Mayweather. Ito nga ang ginamit ng 34-anyos na si Rigondeaux nang tinalo ang isang dating kampeon ng bansa na si Nonito Donaire Jr.

Sa ngayon ay may dalawang sparmates nang nakuha ni Roach para sa unang yugto ng pisikal na pagsasanay ni Pacquiao na sina Kenneth Sims Jr. at Rashidi Ellis na parehong may taas na 5’9”.

Si Roach na ang mangunguna sa pagsasanay ni Pacquiao matapos bumalik mula Macau na kung saan nabigo sila ni Chinese boxer Zou Shiming sa binalak na agawin ang IBF flyweight title ni Amnat Ruenroeng noong Sabado.

 

vuukle comment

AMNAT RUENROENG

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

GUILLERMO RIGONDEAUX

KENNETH SIMS JR.

NONITO DONAIRE JR.

PACQUIAO

RASHIDI ELLIS

RIGONDEAUX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with