^

PM Sports

Guevarra slam dunk king

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos makasalo si Justine Melton ng Purefoods para sa korona ng PBA Slam Dunk Competition noong nakaraang taon, ngayon ay hindi na hinayaan ni Rey Guevarra na may makahati siyang muli sa karangalan.

Isang ‘between-the-legs-twist’ slam ang ginawa ni Guevarra sa final round para humugot ng perpektong 50 points sa slam off nila ni Japeth Aguilar ng Ginebra sa 2015 PBA All-Star Weekend kagabi sa Puerto Princesa City Coliseum sa Palawan.

“Iyon talaga ang favorite dunk ko na ginawa ni Kobe Bryant,” sabi ni Guevarra, nakasama sina Kelly Williams, Vergel Meneses at Don Camaso bilang mga two-time champions sa ilalim ng five-time titlist na si Nino ‘KG’ Canaleta.

Sa Three-Point Shootout, inangkin ni Terrence Romeo ng Globalport ang titulo matapos magsalpak ng 18 points sa final round para tabunan ang 14 points ni James Yap ng Purefoods at ang 11 points ni JC Intal ng Barako Bull.

Inangkin ni Romeo ang premyong P60,000.

Nabigo si Mark Macapagal ng Meralco na makamit ang kanyang record na pang-limang titulo nang hindi makaabante sa final round bunga ng itinalang 11 markers.

Hinirang naman si Jeric Fortun ng San Miguel bilang bagong hari ng Obstacle Challenge nang magrehistro ng bilis na 32.1 segundo sa final round at ungusan sina four-time champion Jonas Villanueva (37.7) at Chris Banchero (44.9). (RC)

vuukle comment

ALL-STAR WEEKEND

BARAKO BULL

CHRIS BANCHERO

DON CAMASO

GUEVARRA

JAMES YAP

JAPETH AGUILAR

JERIC FORTUN

JONAS VILLANUEVA

JUSTINE MELTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with