Pauulanan ni Pacquiao ng suntok si Mayweather
MANILA, Philippines - Hindi kilala si Manny Pacquiao bilang boksinge-rong nakikipag-angasan sa kanyang kalaban.
Imbes na paninira ay pinuri pa ni Pacquiao ang mapormang si Floyd Mayweather, Jr. na kanyang lalabanan sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“He has very good speed and footwork and he has punches and that makes him look good,” sabi ni Pacquiao sa pa-nayam ng Yahoo Sports.
“But it depends on the fighter he is going to fight. For me as a boxer, I know what the job is. I’m going to throw a lot of punches, a lot of hard punches.”
Idinagdag pa ni Pacquiao na may mga bentahe siya laban sa 38-anyos na si Mayweather.
“There is nobody out there who really has thrown a lot of punches at him, but I’m going to do that. He is a very good boxer, but I know how to box and I can move side to side and throw punches,” ani Pacquiao.
Dumating ang 36-an-yos na Filipino world eight-division champion sa Los Angeles, California para simulan ang kanyang pagsasanay sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood.
Sa unang araw ng kanyang training camp ay nag-jogging si Pacquiao sa Pan Pacific Park sa La Brea ng umaga at kinahapunan ay nagpapawis sa Wild Card Gym.
Sina Filipino assistant trainer Buboy Fernandez at Marvin Somodio ang pansamantalang namamahala sa routine workout ni Pacquiao sa Wild Card Gym habang nasa Macau si chief trainer Freddie Roach para sa laban ni two-time Olympic gold medalist Zou Shi-ming ng China sa Linggo.
Katuwang din si strength and conditioning coach Justin Fortune.
“I have Buboy with me and Freddie will be back in plenty of time,” wika ni Pacquiao. “I’m OK. I can get my work done.”
Isang beses lamang magkikita sa press confe-rence sina Pacquiao at Mayweather sa Marso 11 sa Los Angeles. (RC)
- Latest
- Trending