Jordan kasama sa listahan ng mga bilyonaryo
NEW YORK -- Napabilang si Michael Jordan at ang iba pang NBA owners sa listahan ng Forbes ma-gazine ng mga bilyonaryo sa buong mundo.
Inilabas ng Forbes ang kanilang listahan noong Lunes at inihayag na si Jordan ay may net worth na $1 bilyon dahil na rin sa kanyang investment sa Charlotte Hornets.
Pinamumunuan naman ni Steve Ballmer, bumili sa Los Angeles Clippers, ang listahan ng mga sports-related billionaires na may net worth na $21.5 bilyon.
Ang net worth ng NBA franchise values ay tumaas matapos bilhin ni Ballmer ang Clippers sa halagang $2 bilyon.
Ang net worth ni Houston Rockets owner Leslie Alexander ay $1.6 bilyon kasunod ang $1.3 bilyon ni Chicago Bulls’ owner Jerry Reinsdorf, ayon sa magazine.
Sina Jordan at Reinsdorf ay mga baguhan sa listahan at si Alexander ay nagbabalik sa unang pagkakataon matapos noong 2007.
Ang 52-gulang na si Jordan, Hall of Fame player na nanalo ng anim na NBA championships sa Bulls ay naging bilyonaryo noong June.
- Latest