Sikreto ang strategy ni Roach
MANILA, Philippines – Handa nang ipamalas ni Freddie Roach ang tamang taktika para matalo ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. sa kanilang pagkikita sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Pero sa aktuwal na laban lamang ito masisilayan dahil itatago itong mabuti ni Roach habang nagsasanay sila ni Pacman sa Wild Card Gym.
“I won’t tell you what the game plan is. The whole Wild Card Gym will be shut down and we will work out Manny’s best strategy and nobody will watch it,” ginarantiya ni Roach sa panayam ng South China Morning Post.
Nasa Macau si Roach ngayon para tulungan ang Chinese boxing star na si Zou Shiming sa kanyang kauna-unahang world title laban sa IBF flyweight champion na si Amnat Ruenroeng ng Thailand.
“I know exactly what I want Manny to do. When I go home to training camp, we’ll start working on it,” pahayag pa ni Roach na kinilala uli bilang pinakamahusay na trainer sa record na ika-pitong pagkakataon ng Boxing Writers’ Association of America (BWAA).
Para naman sa dating tinitingala na si Oscar De La Hoya, walang sikreto dito para manalo si Pacman kungdi ang kapita-lisahin ang kanyang bilis at lakas.
“Manny is still the same fighter who gives us plenty of action. He has lots of energy and he is never in a boring fight,” wika ni De La Hoya kay Miguel Rivera.
Walang magiging problema kay Pacman kung motibasyon ang pag-uusapan dahil anim na taon siyang naghintay para pumirma si Mayweather sa mega-fight na ito. (AT)
- Latest




















