Rose makakabalik pa pagkatapos ng operasyon
CHICAGO -- Kumpiyansa ang Chicago Bulls na makakalaro pa si Derrick Rose ngayong season pagkatapos operahan nitong Biyernes sa kanyang kanang tuhod.
Naniniwala ang Bulls na matatapos ni Rose, oope-rahan sa kanyang medial meniscus tear, ang season.
“Yeah, the hope is that he will,’’ sabi ni executive vice president of basketball operations John Paxson sa team charity event nang tanungin sa tsansa ni Rose makapag-laro pa ngayong season. “We’ve still got over two months in the regular season. We’re all hoping that (happens).’’
Ang pagbabalik ng 2011 MVP ay madedetermina matapos ang operasyon.
Ngunit umaasa ang Bulls na hindi ito matatagalan.
“I don’t want to speculate until he goes in, but we’re certainly hopeful,’’ ani general manager Gar Forman.
- Latest