^

PM Sports

Mag-uunahan ang NU at FEU makasulong sa stepladder semifinals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magpapagalingan ang National University Lady Bulldogs at FEU Lady Tamaraws sa pormal na pagbubukas ng 77th UAAP women’s volleyball stepladder semifinals ngayon sa SMART Araneta Coliseum.

Ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon magsisi-mula ang bakbakan at ang mananalo ang siyang aabante sa ikalawang yugto ng stepladder semis para harapin ang pumangalawa sa elimination round at may twice-to-beat advantage na La Salle Lady Archers.

Bago ito ay magtutuos sa huling pagkakataon ang nagdedepensang kampeon  NU Bulldogs at UST Tigers sa ikaw-o-ako na tagisan sa men’s division sa ganap na ika-2 ng hapon.

Ang mananalo rito ang siyang aabante para harapin ang Ateneo Eagles na nasa Finals na nang kalusin ang Adamson Falcons sa pagsisimula ng Final Four noong Miyerkules.

Tumapos ang Lady Bulldogs sa ikatlong puwesto sa 8-6 karta at nilakipan nila ito ng tatlong sunod na panalo para magkaroon ng momentum sa playoffs.

Galing sa 10-araw na pahinga ang tropa ni coach Roger Gorayeb pero kumpiyansa siya na walang masamang epekto ito dahil pataas nang pataas ang laro ng kanyang mga inaasahan sa pangunguna ni 6’4” spiker Jaja Santiago.

“Pinakamagandang laro na nakita ko ito sa kanila (kontra sa UP). Mahalaga ang panalong ito dahil kaila-ngang magkaroon ng kumpiyansa ang mga players sa semis,” wika ni Gorayeb.

Sa kabilang banda, ang FEU ay kondisyon na kondisyon na haharap sa larong ito lalo pa’t ito na ang kanilang ikaapat na sudden-death.

Para makapasok sa semifinals sa unang pagkakataon sa huling tatlong taon ng liga, kinailangan ng Lady Tamaraws na patumbahin ang UP Lady Maroons at Adamson Lady Falcons upang manatiling buhay ang paghahabol ng titulo.

Ang FEU ang siyang may pinakamaraming wo-men’s volleyball title sa 29 kampeonato pero ang hu-ling titulo ay nakuha noon pang 2007.

Ang mga beteranang sina Bernadette Pons, Geneveve Casugud, Remy Palma at Yna Louise Papa ang sasandalan sa FEU habang sina Myla Pablo, Rizza Jane Mandapat at Jorelle Singh ang makakatuwang ni Santiago para sa NU.

Naging stepladder ang  semifinals dahil winalis ng nagdedepensang kampeon Ateneo Lady  Eagles ang double-round elimination para magkaroon din ng mahalagang thrice-to-beat advantage sa championship round. (AT)

 

ADAMSON FALCONS

ADAMSON LADY FALCONS

ARANETA COLISEUM

ATENEO EAGLES

ATENEO LADY

BERNADETTE PONS

FINAL FOUR

LADY

LADY TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with