Westbrook humataw
OKLAHOMA CITY – Umiskor si Russell Westbrook ng 34 points bukod pa sa 10 assists upang tulungan ang Oklahoma City Thunder sa paggupo sa Dallas Mave-ricks 104-89 nitong Huwebes ng gabi.
Tumapos si Serge Ibaka ng 21 points at career-high 22 rebounds habang nagdagdag si reserve guard Anthony Morrow ng 16 points para sa Thunder na nanalo sa ika-6 na pagkakataon sa pitong laro upang makalapit sa Phoenix para sa eighth place sa Western Conference.
Nangibabaw ang Thunder kahit nakakuha lang ng 12 points mula kay Kevin Durant.
Nagposte si Dirk Nowitzki ng 14 points at nagdagdag si Tyson Chandler ng 10 points at 13 rebounds para sa Mavericks na nagtala ng season-low na 36.3 percent mula sa field.
Nagbalik si Dallas point guard Rajon Rondo matapos mawala ng six games makaraang magka-injury sa mukha. Tumapos siya na may five points at anim na assists at 30 minutes.
Nanatiling nakapokus ang Thunder matapos ang mga trades. Ibinigay nila si backup point guard Reggie Jackson sa Detroit at nakuha nila si Utah center Enes Kanter.
Sa Los Angeles, nagtala si DeAndre Jordan ng 26-points at 18-rebounds, nagdagdag si Jamalm Crawford ng 26-points nang igupo ng Los Angeles Clippers ang San Antonio, 119-115 upang lalong lumayo sa San Antonio sa West.
Nagtala si Chris Paul ng 22 points at 16 assists nang ma-outscore ng Clippers ang Spurs, 56-46 sa paint kahit wala si Blake Griffin na nagrerekober pa sa naoperahang siko.
- Latest