Pahalagahan ang bawat sandali, giit ni Caluag sa mga kapwa atleta
MANILA, Philippines - Iginiit ni Asian Games gold medal winner Daniel Caluag ang importansya ng pagpapahalaga sa bawat sandali ng isang atleta, maging ito ay sa kompetisyon o sa simpleng pagsasanay lamang.
“Cherish every season, every game, every practice, because everything will soon be over before you realize it,” sabi ng 27-anyos na si Caluag sa kanyang maikling acceptance speech sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night na inihandog ng Milo at San Miguel Corp. noong Lunes ng gabi kung saan siya hinirang bilang Athlete of the Year.
Pinangunahan ni Caluag, bumiyahe mula sa Kentucky, USA para sa PSA award buhat sa pinakamatandang media organization sa 1Esplanade, ang kabuuang 79 personalities at entities na pinarangalan sa espesyal na gabi na dinaluhan ng mga top sports officials, prominent athletes at special guests.
Ang mga nagbigay ng Athlete of the Year trophy kay Caluag ay sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na siyang naging keynote speaker, Philcycling president at Cavite Congressman Bambol Tolentino at si PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror.
Ang BMX rider, sinamahan sa event ng kanyang mga kamag-anak na nanggaling sa Nueva Ecija, ang nagbi-gay sa bansa ng nag-iisang gold medal sa Asiad sa Incheon, South Korea noong nakaraang taon.
Ikinunsidera ni Caluag ang taong 2014 bilang ‘eventful year’ para sa kanya.
“It was a great year being a new dad, graduating at nursing school, along with the Asian Games gold medal, and to top it off with the Athlete of the Year,” ani Caluag sa formal event na itinaguyod ng Meralco, Smart at MVP Sports Foundation bilang principal sponsors at ng PSC bilang major sponsor.
Itinampok din sa awards night ang pagkilala sa 1973 Philippine men’s basketball team sa pamamagitan ng Lifetime Achievement Award.
Pinamunuan ni dating Senator Robert Jaworski Sr. ang koponan na kumuha sa korona ng FIBA-Asian Men’s Championship 42 taon na ang nakararaan sa Manila.
Nakasama ni ‘Big J’ sa entablado ang mga kakamping sina Bogs Adornado, Yoyong Martirez, Manny Paner, Leo Arnaiz (kinatawan ang kapatid na si Francis Arnaiz), Richie Melencio (anak ng nama-yapa nang si Tembong Melencio) at John Campos, ang pinsan ni strength and conditioning coach Juan Cutillas.
- Latest