NLEX nakatikim ng panalo
MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng NLEX na maging biktima rin sila ng Blackwater.
Kaagad na nagposte ng malaking kalamangan ang Road Warriors sa kaagahan ng laro para wakasan ang kanilang tatlong sunod na kamalasan sa bisa ng 106-79 paggiba sa Elite sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Humakot si NBA veteran Al Thornton ng 39 points, tampok dito ang 4-of-5 shooting sa three-point line at 15 rebounds para sa unang panalo ng Blackwater sa komperensya matapos ang 0-3 panimula.
“It’s nice to get our first win this conference,” sabi ni coach Boyet Fernandez na kinumpirma ang pakikipag-usap ng management sa koponan.
“Pep talk with management yesterday was key to this breakthrough win.”
Nabigo naman ang Blackwater na duplikahan ang kanilang 80-77 paggitla sa San Miguel, nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup.
Mula sa 14-4 abante ay pinalobo ng Road Warriors ang kanilang kalama-ngan sa 23 puntos, 42-19 kontra sa Elite sa second quarter.
Isinara ng NLEX ang third period sa 84-49 bago ibinaon ang Blackwater sa 92-57 sa huling apat na minuto ng final canto.
Pinangunahan ni Bryan Faundo ang Elite sa kanyang 17 points kasunod ang tig-15 nina naturalized player Marcus Douthit at Robbie Celiz.
Kasalukuyan pang naglalaro ang Beermen at ang Alaska Aces habang isinusulat ito.
Samantala, pipilitin ng nagdedepensang Purefoods na masolo ang ikalawang puwesto sa pakikipagharap sa Kia ni playing coach Manny Pacquiao ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.
Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay magtatagpo naman ang Barako Bull at ang Globalport.
NLEX 106 -- Thornton 39, Canaleta 9, Lingganay 9, J. Villanueva 9, E. Villa-nueva 9, Hermida 8, Taulava 8, Cardona 7, Ramos 4, Arboleda 2, Baloria 2, Camson 0, Borboran 0, Apinan 0, Soyud 0.
Blackwater 79 -- Faundo 17, Douthit 15, Celiz 15, Reyes 8, Heruela 7, Laure 7, Bulawan 6, Acuna 4, Canada 0, Timberlake 0, Nuyles 0, Erram 0, Ballesteros 0, Gamalinda 0, Salvacion 0.
Quarterscores: 24-11; 55-27; 84-49; 106-79.
- Latest