Pacquiao-Mayweather selyado na pero...
MANILA, Philippines – Naselyuhan na ngunit hindi pa napipirmahan o naidedeliber.
Sa report na nangga-ling sa London na kuma-lat sa internet, sinasabing nagkasundo na sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao na maglaban.
Kinuha ng The Telegraph ang kanilang istorya sa isang unidentified source na nagsabing gagawin ni Mayweather ang formal announcement para sa kanilang banggaan ni Pacquiao.
Sinasabing pumirma na si Pacquiao para sa kanilang $250 million welterweight contest na itinakda sa Mayo 2 sa MGM Grand.
Ayon sa nasabing report, ang pinakamahalagang punto na napagkasunduan ay ang 60-40 purse split pabor kay Mayweather.
Wala ring reklamo ang dalawa sa gagami-ting eight-ounce gloves at sa pagsailalim sa drug-testing procedures.
Hindi pa malinaw kung paano gagawin ng mga cable networks na Showtime at HBO para sa isang joint pay-per-view venture.
Inihayag kamakailan ni Pacquiao sa national television na plantsado na ang laban at ang pirma na lamang ni Mayweather ang kulang.
Ang salita ni Mayweather ay kasing-ha-laga ng kanyang pirma.
Hindi nagpaunlak ng panayam ang promoter ni Pacquiao na si Bob Arum kagaya ng kanyang chief adviser na si Mike Koncz.
Ang kanilang katahimikan ay maaaring may ibang ibig sabihin.
Maaaring selyado na ang laban o maaaring si Mayweather ang gagawa ng formal announcement.
Sa pinakahuling pa-nayam kay Arum, sinabi nitong optimistiko siyang matutuloy ang laban sa Mayo.
Hindi naman ito kinumpirma ni Showtime executive vice president for sports Stephen Espinoza.
“Not sure what anyone is signing since no agreement has been finalized yet,” wika ni Espinoza.
“An imaginary contract, maybe. Real one not finished yet,” dagdag pa nito.
- Latest