^

PM Sports

Amit lalaro uli sa Queens Cup sa Abril

Pang-masa

MANILA, Philippines – Makikita uli ang husay ni Rubilen Amit kasama ang mga batikang lady cue-artists sa Asya sa paglarga ng ikalawang edisyon ng Queens Cup sa Abril.

Si Amit ay nakasama sa Team Asia sa unang edisyon sa Resorts World Manila at umani ang koponan ng 10-4 panalo sa Team Europe.

Sina Ga Young Kim ng Korea na siya ring team captain, Chen Si Ming ng China at Penny Tsai ng Chinese Taipei ang iba pang kasapi ng Team Asia habang ang Team Europe ay binuo nina Kelly at Allison Fisher ng Great Bri-tain, Vivian Villareal ng Mexico at Jasmin Ouschan ng Austria.

Sa Resorts World Manila rin gagawin ang aksyon mula Abril 16 hanggang 18 at tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang nagdedepensang kampeon dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagpapalit sa lineup ng katunggali.

“There will be some mainstays but also some changes to the lineup. Obviously, we have to keep a good pulse on the current top players and who’s performing well on tour,” wika ni Cindy Lee na CEO ng Dragon Promotions na siyang organizer ng palarong ito.

Makakatuwang ng Dragon Promotions ang AM8.com para madala uli sa bansa ang kompetisyon.

“When we saw the event, we knew we had to be a part of it. It has a lot of potential for future growth. AM8.com is really thrilled at bringing the Queens Cup back to the Philippines,” pahayag ni Brigette Cruz ng AM8.com.

Pagmamasdan ang resulta ng mga lady players sa mga kompetisyong sinalihan para madetermina kung sinu-sino ang mga magsasama para buuin ang dalawang koponang magtatagisan. (AT)

ABRIL

ALLISON FISHER

BRIGETTE CRUZ

CHEN SI MING

CHINESE TAIPEI

CINDY LEE

DRAGON PROMOTIONS

QUEENS CUP

TEAM ASIA

TEAM EUROPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with