^

PM Sports

Mavs sinilat ang Blazers

Pang-masa

DALLAS – Binigyan ni Dirk Nowitzki ang Dallas ng pagkakataong manalo laban sa isang Western Conference playoff contender team nang kanyang tapusin ang late rally ng Mave-ricks sa pamamagitan ng 3-pointer na nagpuwersa ng overtime.

Pagkatapos nito ay si Chandler Parsons naman ang nagtrabaho.

Ang 25-puntos ni Nowitzki kabilang ang palobong 3-pointer ang tuluyang bumura sa 11-point deficit sa huling 2 minuto ng laba-nan at umiskor si Parsons ng 10 sa kanyang 20–puntos sa extra period nang igupo  ng Mave-ricks ang Portland Trail Blazers, 111-101 nitong Sabado ng gabi sa NBA.

Nakaiwas ang Mave-ricks sa ika-12th pagkakatalo sa loob ng 14 games laban sa koponang kasalukuyang palaban sa West playoffs  matapos sumulong sa 35-18  na nakalapit sa Portland na may 34-17 record para sa fourth place.

“This was huge because we had not beat a very good team that’s been at full strength all year long,’’ sabi ni Parsons na parang nakalimutan ang panalo laban sa Southwest Division-leading Memphis dahil na-tambakan ang Mavericks sa kanilang sariling balwarte ng Grizzlies makalipas ang isang linggo. “So to be the team that we want to be, we need to have wins like this.’’

Tinapos naman ni Damian Lillard ang kanyang kamalasan sa pagtatala ng 26 points habang si LaMarcus Aldridge naman ay may 25 ngunit na-outscore ang Blazers, 22-2 sa fourth quarter at overtime para sa kanilang ikapitong sunod na talo sa road game.

Sa New York, nagtala naman si Draymond Green ng 20 points at mayroon siyang 13 rebounds nang igupo ng Golden State Warriors ang New York Knicks, 106-92 para ipatikim kay Steve Kerr ang panalo sa kanyang unang game coaching sa arena na malapit na sa kanyang puso.

CHANDLER PARSONS

DAMIAN LILLARD

DIRK NOWITZKI

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE WARRIORS

MAVE

NEW YORK KNICKS

PORTLAND TRAIL BLAZERS

SA NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with