^

PM Sports

11th straight win asam ng Lady Eagles

Pang-masa

MANILA, Philippines - Itataya ng mainit na UST Tigresses ang ka­nilang apat na sunod na panalo laban sa La Salle Lady Archers, habang ang ika-11 sunod na pa­nalo ang nakata­ya sa nag­dedepensang Ateneo Lady Eagles sa pagpa­pa­­tuloy ng 77th UAAP women’s volleyball sa The Arena sa San Juan Ci­­ty.

Unang lalaro ang Lady Eagles kontra sa FEU Lady Tamaraws sa alas-2 ng hapon bago sun­dan ng Lady Archers at Tigresses sa alas-4 ng hapon.

Samantala, palalakasin ng Adamson Falcons ang paghahabol sa ‘twice-to-beat’ advantage, habang upuan sa Fi­nal Four ang patatatagin ng nagdedepensang National University Bull­dogs sa mga laro sa men’s division.

Katipan ng Falcons ang FEU Tamaraws sa alas-8 ng umaga bago pa­­­litan ng labanan ng NU at La Salle Archers sa alas-10 ng umaga.

May 9-1 karta ang La­dy Archers at kung ma­nanalo sila sa UST ay ha­hawakan ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ advantage sa semifinals.

Ngunit inaasahang ma­papalaban sila sa Tigresses na nakikitaan ng magandang pagtutulu­ngan mula sa mga bete­rana at baguhan upang ma­kabangon na mula sa 1-5 panimula at ngayon ay nasa ikatlong upuan sa 5-5 baraha.

Sina Pamela Lasti­mosa, Carmela Tunay, Marivic Meneses at rookie Ennajie Laure ang mga magtutulung-tulong para sa UST, ha­bang ang mga subok nang sina Ara Galang, Mika Reyes, Cyd De­me­cillo at Kim Fajar­do ang pantapat ng La Salle.

Ang ika-11 sunod na panalo ang makukuha ng Ateneo na maglalapit sa tatlong laro para ma­kumpleto ang 14-0 sweep at dumiretso sa Finals bitbit ang ‘thrice-to-beat’ advantage.

Hindi makakalaro si Isabelle de Leon dahil sa in­jury sa kanyang da­liri pero matibay pa rin ang puwersa ng Lady Eagles hanggang naririyan si Alyssa Valdez.

Gagawin naman ng FEU ang lahat ng makakaya para lumakas ang ka­nilang pag­hahabol sa Final Four. (ATan)

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ALYSSA VALDEZ

ARA GALANG

ATENEO LADY EAGLES

CARMELA TUNAY

CYD DE

ENNAJIE LAURE

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with