^

PM Sports

Bakers, Giants kukumpletuhin ang Final Four

Pang-masa

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

2 p.m. – Cebuana Lhuillier vs Jumbo Plastic

4 p.m. – Café France vs Bread Story –Lyceum

MANILA, Philippines – Pilit na pangangata­wanan ng Café France Bakers at Jumbo Plastic Giants ang pagkakaroon ng mas mataas na see­ding sa pagsagupa sa Ce­buana Lhuillier Gems at Bread Story-Lyceum  Pirates sa pagtatapos ng quarterfinal round ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa The Arena sa San Juan City.

Ang mananalo sa na­sabing da­lawang laro ang siyang kukumpleto sa mga maglalaban sa se­mifinals kung saan nag­hihintay ang walang talong Cagayan Valley Rising Sun at Hapee Fresh Fighters na nala­gay sa No. 1 at No. 2 spot.

Unang magkikita ang Gems at Giants ngayong alas-2 ng hapon bago pa­litan ng Bakers at Pirates sa alas-4.

Nalagay ang Gems at Pirates sa pang-lima at ikaanim na puwesto ngu­nit naihirit ang ‘sudden-death’ nang nangi­babaw noong Huwebes.

Nagpakawala ang Gems ng 19-9 palitan sa hu­ling yugto para sa 63-53 panalo, habang si­nan­dalan ng Pirates ang magandang opensa tu­ngo sa 79-72 tagumpay.

Pareho namang ins­pirasyon ng Bakers at Pi­rates ang makarating sa semifinals sa unang pag­kakataon.

Para makuha ito ng mga ba­taan ni coach Edgar Ma­caraya ay kai­la­ngang mag­karoon si­la ng mas magandang opensa na hindi nangya­ri sa unang pagkikita.

Ang magandang pag­­tu­tulungan ng starters at bench ang magiging su­si para magpatuloy ang hinahanap na makasay­sa­yang kampanya sa li­ga ng baguhang Bread Sto­ry. (AT)

vuukle comment

BREAD STO

BREAD STORY

BREAD STORY-LYCEUM

CAGAYAN VALLEY RISING SUN

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with