^

PM Sports

Hawks napakinabangan si Bazemore; James umiskor ng 19 pts para sa Cavs

Pang-masa

ATLANTA -- Patuloy ang paghahanap ng At­lanta Hawks ng paraan para mapanatili ang ka­nilang pinakamahabang winning streak sa franchise history.

Ngayon, si Kent Bazemore ang naging surprise star galing sa bench.

Nalampasan ng Atlanta ang iniskor na 37 points ni LaMarcus Aldridge ng Potland Trail Blazers pa­ra kunin ang kanilang ika-18 sunod na panalo ma­tapos kumamada sa final period patungo sa 105-99 panalo.

Apat na beses nagtabla ang Hawks at ang Trail Blazers sa fourth quarter bago nakalayo ang Atlanta na sinimulan ng basket ni Al Horford, tumapos na may 17 points.

“We got stops when we needed to and really got into a rhythm offensively,” wika ni Horford.

Nakulangan ang Hawks ng mga wing players sa harap ng sellout crowd.

Si DeMarre Carroll ay may left Achilles strain, ha­bang ang kanyang kapalit na si Thabo Sefolosha ay naglaro lamang ng dalawang minuto dahil sa kan­yang right calf strain.

Isinalpak naman ni Bazemore, ang third option ng Atlanta sa small forward, ang kanyang unang tat­long tira at tumapos na may 12 points, 5 rebounds, 3 assists, 2 steals at 1 block.

Naglaro si Bazemore, ginagamit lamang sa lo­ob ng 12 minuto bawat laro, ng halos 40 minuto.

Sa Cleveland, nakausap ni LeBron James ang mga Cavaliers team doctors noong Biyernes ng gabi pa­ra magdesisyon kung maglalaro siya matapos magkaroon ng sprained right wrist.

“They said it was my call and obviously you guys know what my call is,” sabi ni James makaraang umiskor ng 19 points sa 101-90 panalo ng Cleveland laban sa Sacramento Kings.

Ito ang pang-siyam na sunod na panalo ng Cavaliers.

Nagtala naman ng pinagsamang 44 points sina Ke­vin Love at Kyrie Irving para sa Cavaliers.

Sa Miami, bumangon ang Dallas Mavericks mula sa isang 16-point deficit sa second half para resbakan ang Heat, 93-72.

Isang 37-2 atake ang inilunsad ng Mavericks para sa ika-600 regular-season victory ni Dallas coach Rick Carlisle.

Iniwanan ng Miami ang Dallas sa 49-33sa third quarter bago umarangkada ang Mavericks.

Hindi naglaro ang mga may injury na sina superstars Dwyane Wade at Luol Deng para sa Heat.

Umiskor si Charlie Villanueva ng 14 sa kanyang season-high na 20 points matapos ang halftime para sa Dallas.

 

AL HORFORD

BAZEMORE

CHARLIE VILLANUEVA

DALLAS MAVERICKS

DWYANE WADE

KENT BAZEMORE

KYRIE IRVING

LUOL DENG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with