^

PM Sports

Mitsubishi iluluklok sa PSA Hall of Fame

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bibigyan ng special award ang isang junior tennis tournament na idinadaos sa bansa sa nakaraang 25 taon ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Nakatakdang iluklok ng pinakamatandang media organization sa bansa ang Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championship sa Hall of Fame sa PSA Annual Awards Night na inihahandog ng Milo at San Miguel Corp. sa Feb. 16.

Sa higit sa dalawang dekada, ang annual netfest na ito ang naging ‘breeding ground’ ng mga pinakamahuhusay na players at may basbas ng International Tennis Federation (ITF) hanggang noong nakaraang taon.

Kabilang sina dating World No. 1 Andy Roddick at Lleyton Hewitt at si world doubles champion Leander Paes sa mga sikat na netters na minsang nakita sa aksyon sa Mitsubishi Lancer tilt, habang ang mga locals na nagkampeon ay sina Francesca La’o, Jennifer Saret at Maricris Fernandez.

Ang netfest na ito ay ikinukunside-rang Grade One tournament ng ITF na nangangahulugan na ang antas ng kompetisyon ay mataas at mabigat.

Ang mga personalidad na nauna nang iniluklok sa Hall of Fame ng PSA ay sina boxing icon Manny Pacquiao, bowlers Paeng Nepomuceno at Bong Coo, basketball greats Caloy Loyzaga at Lauro Mumar, pro boxers Pancho Villa at Gabriel “Flash” Elorde, amateur boxer Mansueto “Onyok” Velasco, track stars Lydia De Vega at Mona Sulaiman, swimmer Teofilo Yldefonso, tennis player Felicisimo Ampon, Asia’s first Grandmaster Eugene Torre at golfers Ben Arda at Celestino Tugot.

“After celebrating its silver anniversary last year, it is with great pride and honor for the PSA to elevate to its roster of Hall of Famer the Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championship,” sabi ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror.

Ang Hall of Fame award ang pinaka-bagong isinama sa honor list ng awards night na itinataguyod ng Smart, MVP Sports Foundation at Meralco bilang principal sponsors kasama ang Philippine Sports Commission bilang major sponsor at suportado rin ng ICTSI, Phil. Basketball Association (PBA), Phil. Charity Sweepstakes Office (PSCO), Phil. Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), Rain or Shine, Globalport, Air21, Maynilad, Accel at National University.

Ang mga nauna nang ibinilang sa listahan ay ang 1973 Philippine men’s basketball team (Lifetime Achievement Award), Tim Cone (Excellence in Basketball), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo) at sina Princess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year).

Ang Athlete of the Year honor ay pinaglalabanan nina BMX rider Daniel Caluag, boxing champion Donnie Nie-tes at archer Gabriel Moreno.

ALYSSA VALDEZ

AMUSEMENT AND GAMING CORP

ANDY RODDICK

ANG ATHLETE OF THE YEAR

ANG HALL OF FAME

ANNUAL AWARDS NIGHT

BASKETBALL ASSOCIATION

BEN ARDA

HALL OF FAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with