^

PM Sports

Palarong Pambansa para sa kapayapaan sa Mindanao

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakikita ni Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario na magsisimula ang hanap na kapaya-paan sa Mindanao sa pamamagitan ng matagum-pay na hosting ng Palarong Pambansa.

Lumuwas ng Maynila si Del Rosario para lagdaan ang Memorandum of Agreement kasama si Department of Education (DepEd) secretary Bro. Armin Luistro upang ipormalisa ang kauna-una-hang hosting ng  Palaro na gagawin sa Tagum City.

Pinasalamatan ni Del  Rosario ang pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang nasasakupan na ma-ging punong abala sa pinakamalaking palaro para sa mga mag-aaral sa elementary at secondary le-vels  na gagawin mula Mayo 3 hanggang 9.

Kasabay nito ay ang paniniyak na mababago ang pananaw hinggil sa kapayapaan sa Mindanao matapos ang Palaro.

“Given the recent turn of events, we are determined more than ever to showcase in this prestigious event the universal language of sports in breaking down barriers, in uniting our people and in fostering peace,” ani Del Rosario.

Sang-ayon si Luistro sa tinuran ng Gobernador dahil ginawa ang MOA signing ilang araw matapos ang di magandang pangyayari sa Maguindanao.

“Sa panahong ito na marami ang nagtatanong kung safe ba na pumunta sa Mindanao ay saka namin ginawa ang MOA upang ipakita na ligtas pumunta sa Mindanao. Ito ay isang boto para sa hinahangad na kapayapaan sa Min-danao,” wika ni Luistro.

Tinatayang nasa 10,000 ang bilang ng atleta, opisyales at mga bisita ang tutungo sa Tagum City at ginarantiya ni Del Rosario na magiging ligtas at kaaya-aya ang pananatili ng mga ito sa loob ng isang linggo.

“Walang magiging politika rito dahil lahat ng mga taga-Region 11 ay may gagampanang papel para matiyak na may koope-rasyon sa aming lugar para sa inaasahang matagumpay na Palarong Pambansa,” ani Del Rosario. (AT)

vuukle comment

ARMIN LUISTRO

DEL

DEL ROSARIO

DEPARTMENT OF EDUCATION

LUISTRO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

MINDANAO

NORTE GOVERNOR RODOLFO

PALARONG PAMBANSA

TAGUM CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with