^

PM Sports

Ikalawang stake win puntirya ni Hernandez

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagsisikapan ngayon ng batikang hinete na si Jo­nathan Hernandez na masungkit ang ikalawang stakes win sa taon sa gaganaping 2015 Philracom “Commissioner’s Cup sa Metro Turf sa Malvar, Ba­tangas.

Ang karerang ito ay ilalarga sa ganap na alas-3 ng hapon at  iniaalay sa mga namayapa nang Philracom Commissioners na sina Atty. Franco Loyola at Dr. Reynaldo Fernando.

Sa 1,800-metro ang distansya ng karera at si Her­­nandez ang siyang didiskarte uli sa mahusay na kabayo na Malaya na isa sa anim na kabayong ka­sali pero apat lamang ang opisyal na bilang ng ta­takbo.

Kasama ng Malaya ang coupled entry na El Li­bertador na hawak ni Kevin Abobo para pagtulu­ngang ibigay sa horse owner na si Mandaluyong Ci­ty Mayor Benhur Abalos ang P720,000.00 prem­yo mula sa P1.2 milyong premyong paglalaba­nan.

Ang iba pang kasali ay ang coupled entries Bru­no’s Cut (RC Baldo­nido) at Cleave Ridge (Pat Dilema), Stand In Awe (JB Guce) at King Bull (Fernando Raquel Jr.).

Tiyak na patok ang Malaya na siyang pu­mang-apat sa palakihan ng kinita noong 2014.

Unang nanalo si Hernandez sa stakes race sa kabayong Princess Ella sa itinakbong Philracom Juvenile Fillies noong na­karaang linggo at tiyak na kondisyon pa rin pa­ra ibulsa ang ikala­wang stakes win.

Ang magtatapos sa ikalawa ay tatanggap ng P270,000.00 at P150,000.00 at P60,000.00 ang gantim­pala para sa papangatlo at pa­pang-apat sa dati­ngan. (ATan)

CLEAVE RIDGE

DR. REYNALDO FERNANDO

EL LI

FERNANDO RAQUEL JR.

FRANCO LOYOLA

HERNANDEZ

KEVIN ABOBO

KING BULL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with