La Salle volleybelles nakabangon
MANILA, Philippines - Naisantabi ng La Salle Lady Archers ang pagkulapso sa ikalawang yugto tungo sa 25-17, 27-29, 25-14, 25-9 panalo laban sa FEU Lady Tamaraws sa pagbubukas kahapon ng 77th UAAP women’s volleyball second round sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ibinuhos nina Ara Galang, Mika Reyes, Cydthealee Demecillo at Kim Fajardo ang galing sa hu-ling dalawang set para makabangon ang Lady Archers mula sa five-set pagkatalo sa kamay ng nagdedepensang kampeon at karibal na Lady Eagles sa pagtatapos ng first round.
Ito ang ikapitong panalo matapos ang walong laro para sa La Salle habang ang Lady Tamaraws ay bumaba sa ikaanim na puwesto sa 3-5 baraha.
Nasiyahan naman siya sa ipinakita ng mga manlalaro na determinasyon sa huling dalawang sets para manatiling nakadikit sa Lady Eagles na may 7-0 karta.
Nauna rito ay winalis ng UP Lady Maroons ang dalawang pagkikita nila ng UE Lady Warriors sa 25-17, 25-13, 25-21, straight sets panalo para okupahan ang ikaapat na puwesto sa 4-4 baraha.
May 12 hits si Nicole Anne Tiamzon para sa balanseng pag-atake ng State University na hindi na kasama ang kamador na si Katherine Bersola bunga ng ACL injury.
Nahigitan na ng UP ang tinapos noong nakaraang taon sa 3-11 at napantayan na ang dating pinakamataas na finish na 4-10 marka limang taon na ang nakalipas.
Samantala, naipagpag ng nagdedepensang kampeon NU Bulldogs ang palabang UP Maroons, 25-22, 25-19, 22-25, 22-25, 15-10, habang ang Adamson Falcons ay nagwagi sa La Salle Archers, 25-22, 25-20, 25-22, para manatiling magkasalo sa unang puwesto sa kala-lakihan sa 7-1 karta. (AT)
- Latest