^

PM Sports

Showtime sa Philracom 3YO Colt Stakes

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nangibabaw ang Showtime sa 2015 Philracom 3YO Colt Stakes noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si John Alvin Guce ang siyang dumiskarte sa tatlong taong colt at pag-aari rin ng Santa Clara Stockfarm Inc. upang walisin ng kanilang mga kabayo ang pinaglabanang unang dalawang stakes races na itinaguyod ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Naunang nanalo ang Princess Ella sa hanay ng mga fillies na ginawa noong Sabado sa race track na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc.

Sa 1,300-metro distansya pinaglabanan ang karera at mula simula ay nanguna ang Showtime na tumakbo kasama ang coupled entry na Jebel Ali sa pagdiskarte ni Val Dilema.

Ngunit nabigyan ng mabigat na hamon ang kaba-yong may lahi ng Rock And Ladder at Queen Elena, ng mga kabayong Thunder Maxx at Super Spicy na pinagitnaan ang Showtime papasok sa rekta.

Pero ginamitan ni Guce ang Showtime ng latigo para daigin ang hamon ng Thunder Maxx sa pagdadala ni Christopher Garganta ng dalawang dipang agwat.

Nakabawi ang Showtime sa pangalawang puwestong pagtatapos sa unang takbo noong Enero 7 at nasungkit din ng kabayo ang P300,000.00 mula sa P500,000.00 na pinaglabanan sa karera.

Ang mga panalo ng Princess Ella at Showtime ang naglagay din sa dalawang kabayong ito bilang mga palaban sa gaganaping Triple Crown Championship.

Sunod na stakes race na paglalabanan ay ang Philracom Commissioner’s Cup sa Linggo (Enero 25) sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Ang karerang ito ay paglalabanan sa 1,800-me-tro at bukas para sa mga kabayong edad apat na taong gulang pataas at inaasahang mangunguna rito ang pinakamahusay na kabayo noong 2014 na Hagdang Bato. (AT)

vuukle comment

CHRISTOPHER GARGANTA

COLT STAKES

ENERO

HAGDANG BATO

JEBEL ALI

LINGGO

METRO TURF

PRINCESS ELLA

SHOWTIME

THUNDER MAXX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with