Cebuana, Tanduay humahabol pa
MANILA, Philippines – Kumuha ng magkahiwalay na panalo ang Cebuana Lhuillier Gems at Tanduay Light Rhum Masters para manatiling palaban sa hinahangad na puwesto sa PBA D-League Aspirants’ Cup na nagbalik-aksyon kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Pinagningning ni Simon Enciso ang bench sa kanyang nangungunang 24 puntos, kasama ang apat na triples upang tulungan ang Gems sa 90-78 panalo laban sa Bread Story-LPU para sa kanilang 6-4 record, sa unang laro.
Tinablahan ng tropa ni coach David Zamar ang pahingang Jumbo Plastic Giants sa mahalagang ikaapat na puwesto papasok sa kanilang huling laro sa Huwebes.
Kailangan ng Gems na manalo sa MP Hotel Warriors at manalangin na matalo ang Giants sa MJM Builders para makuha ang puwestong magkakaroon ng twice-to-beat advantage.
Ang Pirates ay lumasap ng ikaanim na pagkatalo laban sa apat na panalo at nalaglag sila sa ikapitong puwesto dahil tinalo ng Tanduay Light Rhum Masters ang AMA University Titans, 74-66 sa ikatlong laro.
Aabante ang Rhum Masters sa quarterfinals kung matatalo ang Pirates sa Racal Motors Alibaba sa kanilang huling laro. Kapag nanalo ang Pirates, magkakatabla sila ng Tanduay sa 5-6 baraha at ang Bread Story ang uusad dahil sa 69-64 panalo sa kanilang tagisan.
Kinuha ng Café France Bakers ang ikalimang sunod na panalo nang durugin ang Wangs Basketball Couriers, 68-50 sa isa pang laro.
May 9-2 karta ang Bakers na hawak na ang ikatlong puwesto at ang twice-to-beat advantage laban sa alinmang Tanduay at Bread Story sa quarterfinals. Cebuana Lhuillier 90 – Enciso 24, Acibar 10, Lopez 10, Torres 9, Zamar 8, Guinto 6, Vosotros 6, Villahermosa 5, Ferrer 4, Bautista 3, Sarangay 3, A. Mangahas 2.
Bread Story-LPU 78 – Jalalon 19, Vigil 11, Corpuz 8, Mbomiko 8, Daquioag 8, Bangga 7, Bulawan 6, Baltazar 4, Taladua 3, Gamboa 2, Elmejrab 2.
Quarterscores: 23-13; 43-31; 69-48; 90-78.
Café France 68 – Celso 14, Sedurifa 14, Galanza 9, Huertas 6, Noble 6, Andrada 6, Batino 5, Ahanmisi 3, Abundo 2, Cortes 2, Jeruta 1.
Wangs Basketball 50 – Acosta 17, Montuano 9, Pontejos 7, Miranda 7, Morillo 5, Morales 3, Montemayor 2.
Quarterscores: 21-8; 35-21; 51-37; 68-50
Tanduay Light 74 – Belencion 17, Foronda 8, Ma-riano 8, Sumang 7, Tagarda 7, Mandani 6, Ilagan 6, Escueta 4, Santos 4, Rono 4, De Vera 2, Juamo-As 1.
AMA University 66 – Eriobu 17, Sabangan 13, King 10, Balacunag 8, Taganas 8, Sison 7, Martinez 3.
Quarterscores: 17-11; 37-28; 48-49; 74-66. (AT)
- Latest