^

PM Sports

Kahusayan ni Cone kikilalanin ng PSA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa isang  season, dalawang bagay ang na-achieve ni Tim Cone na naging dahilan para siya ay maging katangi-tangi sa ibang mahuhusay na Philippine Basketball Association (PBA) coaches.

Ang 57-gulang na coach ang naging most accomplished mentor sa 40-taong kasaysayan ng kauna-unahang play-for-pay league sa Asya matapos niyang higitan ang long-time record ng ‘Maes-tro’ na si Virgilio ‘Baby’ Dalupan at naging tanging coach na nakapagtala ng dalawang Grand Slam.

Ang achievement na ito ni Cone ay hindi maaaring balewalain ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kaya bibigyan siya ng kara-ngalang Excellence in Basketball  sa gaganaping Annual Awards Night ng PSA na handog ng Milo sa February 16.

Si Cone ay isa lamang sa mga awardees na nagpasikat noong nakaraang taon na kikilalanin ng pinakamatandang media organization ng bansa sa gabi ng parangal na susuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang major partner katulong ang Philippine Basketball Association (PBA), Accel, Globalport at Rain or Shine.

Ang 1973 Philippine men’s team na nanalo sa  FIBA Asia Men’s Championship sa Manila ay nauna nang inihayag na pararangalan ng Lifetime Achievement Award.

“It’s only fitting for the PSA to recognize Tim Cone with the Excellence in Basketball honor following the outstanding achievement he did in a memorable PBA season,” sabi ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror.

Si Cone ang winningest coach na ngayon sa PBA sa kanyang 18 titles matapos ihatid ang San Mig Coffee sa mailap na Grand Slam noong nakaraang taon.

Ang Grand Slam ay huling nangyari 18-taon na ang nakakaraan nang pagkampeonin niya sa tatlong kumperensiya ang Alaska noong 1996.

ANG GRAND SLAM

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIA MEN

BUSINESS MIRROR

GRAND SLAM

JUN LOMIBAO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SI CONE

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with