^

PM Sports

Amit muling raratsada sa SEA Games

Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling babanderahan ni billiards ace Rubilen Amit ang kampanya ng Pi­lipinas sa 2015 Southeast Asian Games sa Sin­ga­pore sa Hunyo 5-16.

Palagiang nag-uuwi si Amit, ang unang Filipina na nanalo ng world title, ng gintong medalya sa naturang biennial meet sapul noong 2005.

Limang gold medals ang kanyang pinitas sa SEA Games bukod pa sa dalawang silver at dalawang bronze.

“Maganda ngayon dahil malakas na ang team pero nakakahinayang dahil inalis ng host Singapore ang ilang events na puwede tayong manalo,” sa­bi ng two-time world 10-ball ruler na si Amit.

Nabigo lamang siyang makuha ang gold me­dal matapos matalo sa ka­babayang si Iris Rañola sa 9-ball singles finals noong 2011 sa Indonesia.

Magsasama sina Amit at Rañola sa Singapore SEA Games katuwang si Ches­ka Centeno.

Sasabak ang mga Pi­nay sa 8-ball at 9-ball singles matapos ilaglag ng Singapore ang mga re­gular events na 10-ball, dou­bles at rotation. (Olmin Leyba)

 

CENTENO

FILIPINA

HUNYO

IRIS RA

OLMIN LEYBA

RUBILEN AMIT

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with