^

PM Sports

James sinapawan si Bryant

Pang-masa

LOS ANGELES -- Nag­pasabog si LeBron James ng 36 points at winakasan ng Cleveland Cavaliers ang kanilang six-game losing slump mulas a 109-102 panalo kontra sa Los Angeles La­kers.

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 22 points para sa Cleveland, nauna nang naipatalo ang siyam sa huli nilang 10 la­ro at napigilan ni James si Kobe Bryant ng Los Angeles sa final canto sa laro ng da­­lawang basketball icons.

Naglista naman si Bryant ng 19 points at ca­reer-high 17 assists pa­ra sa Lakers.

Umiskor si Bryant ng isang 3-pointer sa 1:54 minuto at umiskor ng dalawang free throws sa huling 43 se­gun­do para idikit ang Lakers sa 99-103 agwat.

Ngunit iniwanan ni James si Bryant para sa isang acrobatic layup sa huling 20.9 segundo kasunod ang mintis na jumper ni Bryant na su­melyo sa panalo ng Ca­valiers.

Tumipa si Jordan Hill ng 20 points para sa pang-siyam na kabiguan ng Lakers sa huli nilang 12 laban.

Sa Houston, humugot si James Harden ng 15 sa kanyang 31 points para tulungan ang Houston Rockets sa 112-101 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.

Sa London, umiskor si O.J. Mayo ng 22 points para pamunuan ang 95-79 paggupo ng Mil­waukee Bucks sa New York Knicks.

BRYANT

CLEVELAND CAVALIERS

HOUSTON ROCKETS

JAMES HARDEN

JORDAN HILL

KOBE BRYANT

KYRIE IRVING

LOS ANGELES

LOS ANGELES LA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with