^

PM Sports

Pag-aagawan ng San Miguel at Alaska 3-2 lead sa serye nakataya ngayon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Simple lang ang na­ging solusyon ng Beermen sa kanilang pagkulap­so sa fourth quarter.

“I think the main reason is we were able to sustain our energy, keep our focus and play defense from start to finish,” sabi ni head coach Leo Austria matapos ang 88-70 pag­lampaso ng kanyang San Miguel sa Alaska sa Game Four ng 2014-2015 PBA Philippine Cup Finals noong Miyerkules.

Ang nasabing panalo ang nagtabla sa Beermen sa Aces sa 2-2 sa kanilang best-of-seven championship series.

Nauna nang nana­ig ang Alaska sa Game Three, 88-82, noong naka­raang Linggo kung saan si­la nakabangon mula sa 21-point deficit sa San Mi­guel.

Paglalabanan ng Beermen at ng Aces ang maha­lagang 3-2 bentahe sa ka­nilang serye sa Game Five ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sinabi ni Austria na na­sa kanila ngayon ang mo­mentum matapos ang na­turang pagresbak sa Game Four.

“We have the momentum but our respect for Alaska is very high,” wika ni Austria sa koponan ni American mentor Alex Compton.

Nananatili pa ring un­derdog ang Aces sa ka­nilang titular showdown ng Beermen.

At napatunayan ito ni Compton sa Game Four.

“Siguro nakita natin why No. 1 ang San Mi­guel after the eliminations,” sabi ni Compton.

Umiskor si veteran guard Alex Cabagnot ng 22 points, tampok dito ang apat na three-point shots, para pamunuan ang Beermen.

Kumolekta naman si Best Player of the Confe­rence June Mar Fajardo ng 11 points at 11 rebounds, habang naglista si Arwind Santos ng 11 points at 14 boards.

“Hindi bago sa amin ang mag-struggle sa opensa, but they were shooting the lights out. Credit their coach Leo and his staff. They had a great gameplan, great preparation,” dag­dag pa nito.

Matapos kunin ang isang 13-point lead sa first half ay pinalaki ng San Mi­guel ang kanilang kala­mangan sa 29 puntos sa 55-26, sa 10:07 minuto sa third period.

Saglit na nakalapit ang Aces sa 17-point deficit ngu­nit hindi na kinayang ulitin ang kanilang mga panalo sa Game One at Game Three.

Pinangunahan ni small forward Calvin Abueva ang Aces sa kanyang 22 points at wala nang iba pang umiskor sa double-fi­gures.

Ito ang unang pagkakataon sa kanyang four-year career na hindi naka­iskor si point guard JVee Casio para sa Aces.

ALEX CABAGNOT

ALEX COMPTON

ARWIND SANTOS

BEERMEN

BEST PLAYER OF THE CONFE

GAME FOUR

GAME THREE

SAN MI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with