^

PM Sports

Leonard malapit nang bumalik sa San Antonio

Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng bumalik na si San Antonio Spurs star Kawhi Leonard makalipas ang dalawang linggo matapos magka-injury sa kamay, ayon sa mga source.

Pinapagaling pa ni Leonard ang napunit na litid sa kanyang pantirang kamay at inaasa-hang makakabalik na siya sa magagaan na basketball activities ngayong linggo, ayon sa source.

Nakita ng mga doctor ang progreso nang hindi na masyadong namamaga ang mga kamay ni Leo-nard at naniniwala silang babalik ang lakas ng kanyang kamay na walang long-term limitations o issues, sabi pa ng source.

Si Leonard ang 2014 NBA Finals MVP para sa defending champion Spurs at isa sa NBA elite defenders.

Noon pang Dec. 15 siya ‘di nakakalaro at nagmintis na siya ng 10-games. Nag-average siya ng 15.2 points, 7.6 rebounds at two steals per game para sa Spurs.

vuukle comment

KAMAY

KAWHI LEONARD

LEONARD

NAKITA

PINAPAGALING

POSIBLENG

SAN ANTONIO SPURS

SI LEONARD

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with