^

PM Sports

Gorayeb sa National U.

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinuha ng National University Lady Bulldogs ang serbisyo ng multi-titled coach na si Roger Gorayeb para isalba ang ‘di magandang panimula sa 77th UAAP women’s volleyball.

Papalitan ni Gorayeb si Ariel dela Cruz na  nagbigay lamang ng dalawang panalo matapos ang limang laro kahit solido ang koponan dahil sa paglalaro pa rin ng mga beteranang sina 6’4” Jaja Santiago, Myla Pablo at Rizza Mandapat.

“Yes he will be our new coach and will coach the team in our Wednesday game against UST,” wika ni NU athletic director Junel Baculi.

Ito ang ikalawang pagkakataon na hahawak si Gorayeb ng koponan sa UAAP matapos silbihan ang Ateneo Lady Eagles sa loob ng limang taon na nagwakas noong 2013.

Bago ang bagong puwesto, si Go-rayeb ay kinuha rin bilang coach ng national under-23 women’s team na nasa ilalim ng pamamahala ng POC.

Siya rin ang mentor ngayon ng San Sebastian Lady Stags sa NCAA na maglalaro sa semifinals na magsisimula rin bukas sa The Arena sa San Juan City.

Nasa ikalimang puwesto ngayon ang NU kasunod ng walang mga talong koponan ng La Salle (6-0) at Ateneo (5-0) kasunod ang Adamdon (3-2) at FEU (3-3). (AT)

vuukle comment

ATENEO LADY EAGLES

GORAYEB

JAJA SANTIAGO

JUNEL BACULI

LA SALLE

MYLA PABLO

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

RIZZA MANDAPAT

ROGER GORAYEB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with