^

PM Sports

Babalik na si DeRozan sa Toronto

Pang-masa

OAKLAND, Calif. – Inaasahang babalik na si Toronto Raptors guard DeMar DeRozan sa aksiyon sa Huwebes sa laban kontra sa Charlotte Hornets matapos matengga ng mahigit isang buwan dahil sa groin injury, ayon sa source ng Yahoo Sports.

Hindi nakalaro si DeRozan ng 17 games dahil sa groin injury, kabilang ang pagkatalo sa 126-105 Golden State Warriors noong Biyernes. Inaasahang hindi rin siya makakalaro sa kanilang road game nitong Linggo kontra sa Phoenix Suns.

Ang 2014 All-Star ay nag-ensayo nitong Huwebes at may isang linggo pa siyang magpapakondisyon bago bumalik sa Toronto.

Si DeRozan ay nag-a-average ng 19.4 points at 4.2 rebounds ngayong season. Huli siyang lumaro kontra sa Dallas Mavericks noong Nov. 28, nang mapunit ang kanyang kaliwang adductor longus tendon.

Ang Raptors (24-9 panalo-talo) ay may  11-6 record sapul nang mawala si DeRozan.

ANG RAPTORS

BIYERNES

CHARLOTTE HORNETS

DALLAS MAVERICKS

GOLDEN STATE WARRIORS

HUWEBES

INAASAHANG

PHOENIX SUNS

TORONTO RAPTORS

YAHOO SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with