^

PM Sports

Matagumpay ang taon para sa Philippine SuperLiga

Pang-masa

MANILA, Philippines - Labis-labis ang tinamong tagumpay ng Philippine SuperLiga sa taong 2014.

“We are less than two years old but he have achieved so many things,” wi­ka ni Sports Core president Ramon ‘Tats’ Suzara.

“It has been a wonderful year of success in 2014. We had so much fun, the teams are very happy and the level of play ay tumaas,” pagmamalaki pa ni Suzara.

Dalawang conference ang pinagla­ba­nan sa nakaraang season at unang isi­nagawa ang All-Filipino Conference na sinalihan ng pitong koponan.

Ang Army Lady Troopers na winalis ang dalawang titulong pinaglabanan no­ong 2013, ay ipinarada pa rin ang mga mahuhusay na sina Rachel Ann Da­quis, Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse at Tina Salak at hindi naman na­pahiya ang koponan nang hiritan ang RC Cola-Air Force Raiders ng 25-22, 25-19, 25-16, straight sets panalo sa ka­nilang one-game finals.

Bago ito ay isinagawa ang makasay­sayang PSL Drafting at ang napili bilang kauna-unahang draft pick ang 6-foot-2 spi­ker na si Dindin Santiago ng Petron Lady Blaze Boosters.

Mahusay ang ipinakita ni Santiago pero kinapos ang Petron at natalo sa PLDT Home TVolution Power Attac­kers sa quarterfinals, 1-3.

Ang nakuhang karanasan ng Petron ay nagamit nila nang husto sa Grand Prix nang kanilang dominahin ito tungo sa kanilang kauna-unahang kam­peo­nato sa liga.

Anim na koponan ang sumali at pina­la­kas ng pagpasok ng tig-dalawang imports at masuwerte pa ang Lady Boosters dahil nakuha nila ang mahuhusay na sina Alaina Bergsma at Erica Adachi.

Nakalaban ng Petron sa one-game fi­­nals ang Generika na sinuportahan nga­yon ang koponang dating hawak ng AirAsia dahil hindi sumali ang Army.

Ang core players ng UAAP cham­pion team La Salle at ang champion coach na si Ramil de Jesus ang bumuo sa Ge­nerika at pinalakas sa paghugot kina Na­talia Kurobkova at Miyo Shinohara bilang imports.

Ngunit determinado ang Lady Boos­ters na makatikim ng titulo at itinatak ang 25-21, 21-25, 25-15, 25-9 panalo.

Sa nagdaang season ay kinilala rin ng liga ang galing nina Salak at Bergsma na siyang hinirang bilang Most Valuable Players sa dalawang confe­rence.

Naitala rin sa season ang kabiguan ng PLDT na kunin ang ikatlong sunod na kampeonato sa kalalakihan.

Nagkampeon ang koponan sa All-Fi­­lipino Conference. (ATan)

ALAINA BERGSMA

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG ARMY LADY TROOPERS

COLA-AIR FORCE RAIDERS

DINDIN SANTIAGO

ERICA ADACHI

GRAND PRIX

PETRON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with