^

PM Sports

Durant nagbida para sa Thunder

Pang-masa

OKLAHOMA CITY -- Sa kanyang pagbaba­lik mula sa isang six-game absence ay ku­mamada si Kevin Durant ng season-high 44 points.

Sapat na ito para ma­tulungan niya ang Oklahoma City Thunder sa 137-134 overtime win la­ban sa Phoenix Suns.

Nanggaling sa isang sprained right ankle in­jury, tumipa si Durant ng 13-of-23 fieldgoal shooting, kasama rito ang 6-of-11 clip sa 3-pointers at perpektong 12-of-12 sa free throw line.

Nagtala rin siya ng 10 rebounds at 7 assists para banderahan ang Thun­der.

Nagsalpak si Antho­ny Murrow ng isang four-point play kasunod ang mintis na three-point shot ni Markieff Morris sa 2.9 segundo.

Nakuha naman ni Russell Westbrook ang kanyang dalawang technical fouls sa dulo ng first half.

Nagkabuhol sina West­brook at Suns center Alex Len para sa isang rebound na nag­resulta sa flagrant foul kay Len at technical kay Westbrook.

Matapos kumonekta si Westbrook ng dalawang free throws, nabigyan naman sina Durant at Morris ng technicals.

Umiskor si Westbrook ng isang layup ka­sama ang foul kasunod ang kanyang ikalawang technical sa natitirang 7.8 segundo bago ang half­time.

Tumapos siya na may 20 points.

Pinamunuan ni Eric Bledsoe ang Suns sa kan­yang 29 points kasunod ang 25 ni Morris at 21 ni Goran Dragic 21.

Sa Cleveland, umiskor si Brandon Knight ng 26 points para igiya ang Milwaukee Bucks sa 96-80 panalo sa Ca­va­­liers kung saan hindi na naman naglaro si Le­Bron James.

 

ALEX LEN

BRANDON KNIGHT

BRON JAMES

ERIC BLEDSOE

KEVIN DURANT

MARKIEFF MORRIS

MILWAUKEE BUCKS

SHY

WESTBROOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with