^

PM Sports

Homecoming ni James sa Miami magiging emosyunal

Pang-masa

MIAMI--Walang na­­­ra­­­­ramdamang pag-a­­alin­langan si Le­Bron Ja­mes para sa kan­yang home­co­ming.

Hindi siya natatakot ukol sa kanyang ka­­­­ligta­san kumpara nang una siyang nag­laro para sa kanyang pagbabalik.

Ngunit hindi ito mai­ku­­kunsiderang isang ho­me­coming dahil hindi na­­­man niya tunay na tahanan ang Miami na kanyang tinirhan sa apat na taong paglalaro para sa Heat.

Magbabalik si James para harapin ang Heat, ang koponang naglunsad sa kanya bilang isang superstar at maging isang two-time NBA champion superstar.

At naghanda siya pati na ang Cleveland Cavaliers para sa inaasahang magiging emosyunal  na Christmas visit.

“To say I haven’t thought  about going back, I would be lying,’’ sabi ni James sa Cleveland noong Martes ng gabi matapos talunin ng Cavaliers ang Minnesota.

“It’s going to be great to be back in that building around those unbelievable fans and the memories will definitely come back, being a part of the organization for four years.’’

Inaasahan naman ng Heat ang kanilang reunion ni James.

Hindi maitatago na may ilang nagalit kay Ja­mes nang umalis siya sa Miami.

Makikita pa ang kanyang mga alaala.

May itinatago pa si Heat coach Erik Spoelstra ng mga larawan ni James sa kanyang opisina at mga sulat sa ‘’Championship Alley’’ - ang hallway patu­ngo sa Miami locker room.

Nananatili ang relasyon ni James sa ilang Heat players, at patuloy ang ka­ni­lang pagiging mag­kai­bigan ni Dwyane Wade.

 

BRON JA

CHAMPIONSHIP ALLEY

CLEVELAND CAVALIERS

DWYANE WADE

ERIK SPOELSTRA

INAASAHAN

MAGBABALIK

MAKIKITA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with