^

PM Sports

22-game winning run ng NU tinapos ng Ateneo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Maagang regalo ang nakuha ng Ateneo Blue Eaglets nang tapusin nila ang mahigit dalawang taon na winning streak ng nagdedepensang National Universi­ty Bullpups sa pagta­ta­pos ng first round ng 77th UAAP juniors basketball kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Tumayong bida para sa home team ang mahusay na sentro na si Mike Nieto nang naipagpag ang masamang 3-of-13 shooting sa pagsalpak ng mahalagang jumper sa huling 2.5 segundo para ibigay sa Blue Eag­lets ang 66-64 panalo.

Tinapos ng Ateneo ang unang ikutan bitbit ang 7-0 baraha pero hi­git dito ay ang pagputol sa 22-game winning streak ng Bullpups.

Huling natalo ang NU noong Oktubre 11, 2012 sa FEU Baby Tamaraws, 109-113.

Naghatid si Nieto ng 8 puntos, 15 rebounds at 4 assists, habang sina Lorenzo Mendoza at Matt Nieto ang nanguna sa Ateneo sa kanilang 20 at 15 puntos.

May 19 puntos at 16 rebounds si Mark Dyke para sa NU na tila hihirit ng overtime nang maitabla ni Philip Manalang ang iskor sa 64-64.

Pero hindi napigilan ang pag-atake ni Nie­to para sa panalo ng Blue Eaglets.

Dinaig naman ng La Salle-Zobel Junior Archers ang Baby Ta­ma­raws, 55-50.

vuukle comment

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLETS

BABY TA

BABY TAMARAWS

BLUE EAG

BLUE EAGLE GYM

BLUE EAGLETS

LA SALLE-ZOBEL JUNIOR ARCHERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with