^

PM Sports

May Plan B na si Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines - May nakahanda nang ‘contingency plan’ sakaling hindi na naman magkasundo ang mga kampo nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

Sa panayam kahapon ng New York Daily News, sinabi ni HBO Sports president Ken Hershman na hindi nila hihintayin si Mayweather para maitakda ang laban nito kay Pacquiao.

“There are conversations taking place,” wika ni Hershman sa sinasabi nilang ‘Plan B’ kung hindi mapaplantsa ang Pacquiao-Mayweather super fight sa susunod na taon.

“Nobody is sitting here waiting for one particular fight to be made. His business goes on, just like Floyd’s goes on. There are some good opportunities for Manny Pacquiao if we have to go in a different direction and we’re prepared to do that,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay tinanggap ng 37-anyos na si Mayweather ang hamon sa kanya ng 36-anyos na si Pacquiao.

Sinabi ni Mayweather na handa siyang labanan si Pacquiao, ang Filipino world eight-division champion, sa Mayo 2, mas kilala bilang ‘Cinco De Mayo’, matapos ang tatlong beses na pagbagsak ng negosasyon para sa kanilang mega bout.

Bago ang nasabing pahayag ni Mayweather ay nauna nang ibinunyag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na nakikipag-usap siya kay Les Moonves, ang CEO at president ng CBS na siyang parent company ng Showtime kung saan may exclusive contract si Mayweather.

“The talks continue with Les and he’s continuing to tell me what the Mayweather camp’s position is,” wika ni Arum. “And hopefully we’ll be able to come to some type of resolution.”

Hindi matuluy-tuloy ang nasabing Pacquiao-Mayweather showdown dahil sa isyu sa hatian sa prize money hanggang sa pagsailalim sa Olympic-style random blood at urine testing.

Sinabi ni Pacquiao na handa siyang sumailalim sa naturang mga pagsusuri at tumanggap ng mas mababang premyo matuloy lamang ang kanilang upakan ni Mayweather. (RC)

vuukle comment

BOB ARUM

CINCO DE MAYO

FLOYD MAYWEATHER

KEN HERSHMAN

LES MOONVES

MAYWEATHER

NEW YORK DAILY NEWS

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with