^

PM Sports

Hapee, Cagayan, wala pa ring talo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ginamit ng Hapee Fresh Fighters at Cagayan Valley Rising Suns epektibong paglalaro sa second half upang manatiling malinis sa PBA D-League Aspirants Cup na dumayo kahapon sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Sina Bobby Ray Parks Jr., Garvo Lanete at Arthur dela Cruz ang nagsanib sa 12-2 palitan sa pagbubukas ng  ikatlong yugto upang tabunan ng Fresh Fighters ang mahinang panimula tungo sa 70-55 panalo sa Café France.

May 20 puntos si Parks habang 14 ang ginawa ni Lanete at ang dalawa ay nagsanib sa 20 second half points para makapagdomina ang bataan ni coach Ronnie Magsanoc sa Bakers, 35-19.

Bumaba ang Bakers sa 5-2 baraha at nakaapekto sa koponan ang pagkakaroon lamang ng walong puntos sa ikatlong yugto.

Sinandalan naman ng Rising Suns ang galing nina Moula Tautuaa, Abel Galliguez at RJ Dilay para sungkitin ang ikaanim na diretsong panalo sa 82-74 panalo laban sa Jumbo Plastic Giants.

May 13 puntos sa 16 sa laro sa fourth period si Tautuaa habang sina Gallinguez at Dilay ang kumana sa ikalawa at ikatlong yugto para matabunan ang 18-14 bentahe ng Giants sa unang yugto.

Nakaasa naman ang Cebuana Lhuillier sa galing nina Norbert Torres, Kevin Ferrer at Mar Villahermosa para palakasin ang kapit sa panlimang puwesto sa 73-55 demolisyon laban sa AMA University.

Cebuana Lhuillier 73 – Torres 21, Ferrer 12, Villahermosa 11, Zamar 7, Vosotros 7, Bautista 5, Lopez 4, A. Mangahas 3, Sarangay 2, Guinto 1, Banal 0, Enciso 0.

AMA University 55 – Eriobu 14, Cubillo 11, Olivares 9, Martinez 7, Taganas 5, Balucanag 4, Rosales 3, Sabangan 2.

Quarterscores: 21-20; 36-30; 53-45; 73-55.

Cagayan Valley 82 – Tautuaa 16, Galliguez 14, Dilay 11, Trollano 8, Salamat 8, Celada 8, Mabulac 6, Austria 5, Flores 4, Melano 2.

Jumbo Plastic 74 -- Terso 14, Rosales 9, Eguilos 8, Paniamogan8, Javier 8, Tiongson 8, Cruz 6, Magat 4, Villamor 4, Rios 3, Petillos 2.

Quarterscores: 14-18; 37-30; 58-45; 82-74.

Hapee 70 – Parks 20, Lanete 14, Dela Cruz 8, Rosario 7, Amer 6, Opstal 6, Long 5, Adeogun 4.

Café France 55 – Ahanmisi 13, Abundo 10, Noble 10, De Leon 6, Huertas 4, Sedurifa 4, Batino 3, Ebondo 3, Andrada 2.

Quarterscores:19-16; 35-36; 55-44; 70-55. (AT)

vuukle comment

ABEL GALLIGUEZ

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

CRUZ

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

DE LEON

DILAY

QUARTERSCORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with