ASEAN University Games: Team UAAP volleybelles nakopo ang bronze
MANILA, Philippines – Muling tinalo ng Team UAAP Philippines ang Malaysia, 25-11, 25-11, 25-16 para makopo ang women’s volleyball bronze medal sa 17th ASEAN University Gameskahapon sa Palembang, Indonesia.
Ito ang unang international women’s volleyball medal ng Pinas sapul noong 2005 Southeast Asian Games makaraang tapusin ng Filipina spikers, kinatawan ng UAAP champion Ateneo, ang kampanya sa tatlong panalo laban sa dalawang talo.
Muling pinangunahan ni Alyssa Valdez ang pananalasa ng Team UAAP-Philippines sa kanyang 16 hits habang si Ella de Jesus ay nagdagdag ng 14 points.
Nangailangan lamang ang mga Pinay spikers ng 61 minutes upang dispatsahin ang mga Malaysians na tinalo nila sa apat na sets sa prelimaries.
Ang Team UAAP-Philippines nay mayroon nang 4-4-5 gold-silver-bronze medals para sa fifth place.
- Latest