^

PM Sports

May mensahe ang LA Clippers

Pang-masa

INDIANAPOLIS -- Naniniwala si head coach Doc Rivers na taglay ngayon ng Los Angeles Clippers ang mahahalagang bagay para maging palaban sa NBA title.

Kayang-kaya nilang umiskor sa loob at maging sa labas at kaya rin nilang kumuha ng rebound.

Ang kulang na lamang ay ang mahigpit nilang depensa na muntik nang maging dahilan ng kanilang kabiguan.

Naisuko ng Clippers ang kanilang 15-point lead sa first half at halos pakawalan ang 20-point advantage sa huling 14 minuto bago makamit ang pang-siyam nilang sunod na panalo sa bisa ng 103-96 tagumpay laban sa Indiana Pacers.

“Defend. That’s how we fix it,’’ sabi ni Rivers nang tanungin kung ano ang nangyari. “That’s not that hard. They can do it and they’ve done it. So, they’ve shown they can do it and they will do it.’’

May 16-5 record ngayon ang LA Clippers.

Umiskor si Jamal Crawford ng 18 points, kasama dito ang krusyal na 20-foot, off-balance jumper sa hu-ling 1:50 minuto ng laro.

Kumolekta naman si Blake Griffin ng 17 points, tampok dito ang isang free throw sa dulo ng laro, bukod pa sa 10 rebounds at 5 assists, habang tumapos si DeAndre Jordan na may 12 points at season high na 19 rebounds.

Si guard Chris Paul ay nagdagdag ng 8 points at 15 assists.

Tumipa si C.J. Miles ng season high na 30 points, habang nag-ambag si Lavoy Allen ng 14 points at 13 rebounds at humakot din si Luis Scola ng 12 points at 14 rebounds sa panig ng Pacers.

Sa Atlanta, naglista sina Kyle Korver at Paul Millsap ng tig-17 points para tulungan ang Hawks sa 95-79 paggiba sa Philadelphia 76ers.

Nagsalpak si Korver ng limang 3-pointers para sa pang-walong sunod na ratsada ng Atlanta (15-6) na siya nilang pinakamahabang winning streak sa loob ng 17 taon.

Nauna nang nagposte ang Hawks ng 11-0 start noong 1997-98 season.

 

BLAKE GRIFFIN

CHRIS PAUL

DOC RIVERS

INDIANA PACERS

JAMAL CRAWFORD

KYLE KORVER

LAVOY ALLEN

LOS ANGELES CLIPPERS

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with