^

PM Sports

2-gold nakopo ng Team Mindanao sa BIMP-EAGA Friendship Games

Pang-masa

LABUAN, Malaysia – Inihatid ni Sonny Wadgos ng University of Mindanao ang ikalawang gintong medalya para sa Team Mindanao-Philippines sa pagtatapos ng athletics competition sa 8th BIMP-EAGA (Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines-East Asia Growth Area) Friendship Games noong Linggo sa Labuan Sports Complex dito.

Nagtala si Wagdos ng tyempong 16 minuto at 25.99 segundo sa men’s 5,000 meter run upang talunin para sa gold medal sina  Zainuddin ng West Kalimantan (16:48.66) at  ang kanyang Davao City teammate na si Glein D. Payac (17:41.84).

Bunsod ng panalo ng 20-anyos mula sa Agusan del Sur, nakopo ng Team Mindanao ang kabuuang dalawang ginto, isang silver at isang bronze sa athletics competition ng torneo na bahagi ng taunang programa ng apat na nagkakaisang bansa.

Nanalo rin si Wagdos sa men’s 1,500m noong Linggo at  naka-silver medal din  sa men’s 800 meter.

Bahagi rin siya ng men’s 4X400 relay team na humugot ng bronze  medal.

“Masayang-masaya po ako kasi hindi nasayang ang ensayo ko at nakapagbigay ako ng karangalan hindi lamang sa Team Davao kundi sa buong bansa,” pahayag ni Wagdos, kabilang sa mga bagitong atleta na hinihikayat na mapabilang sa national training pool ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nakipagsabayan si Wagdos sa huling 100 metro, ngunit ang tyempo niyang 1:58.06 ay sapat lamang para sa silver medal ng 800m event na pinagbidahan ni Fredy Pattiasina ng East Kalimantan (1:57.54) at Raymond Yew Liang Fung  ng Sabah (1:58.35).

Samantala, nagkasya sa silver medal si April Rose Guiang sa wo-men’s discus throw bago ginabayan ang women’s 4X400 meter relay team na kumopo  naman ng bronze medal.

APRIL ROSE GUIANG

DAVAO CITY

EAST KALIMANTAN

FREDY PATTIASINA

FRIENDSHIP GAMES

GLEIN D

LABUAN SPORTS COMPLEX

LINGGO

WAGDOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with