^

PM Sports

Le Tour de Filipinas bahagi ng tourism promotion ng DOT

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng puwang ang Le Tour de Filipinas sa tourism promotion ng Department of Tourism (DOT) nang isama ang nasabing four-stage international cycling race sa kanilang “Visit the Philippines Year (VPY 2015)” program.

Dahil dito, makakasama ang Le Tour de Filipinas sa 10 pang ibang events sa ilalim ng “It’s More Fun in the Philippines” campaign ng DOT.

Iinilaan ng DOT ang 2015 bilang “Visit the Philippines Year (VPY 2015).”

Ang kanilang marketing arm na Tourism Promotions Board ang nangunguna sa year-long campaign na naglala-yong hikayatin ang mga local at foreign tourists na lumahok sa iba’t ibang inilatag na events habang ipinapakita ang mga magagandang destinasyon sa bansa.

Ang official VPY 2015 website  na www.phl2015.itsmorefuninthephilippines.com ay inilunsad na at ito ay  kinatatampukan ng mga events, programs, festivals at iba pa.

Ang Le Tour de Filipinas at iba pang sporting events sa program ay makikita sa website na http://visitph2015.com/events/category/sports-adventure-and-eco-tourism.

“This is a major deve-lopment for the Le Tour de Filipinas, which will run its sixth edition in February,” sabi ni Bert Lina, ang chairman ng Le Tour de Filipinas at ng PhilCycling. “This is proof that our race is recognized for its contribution in the promotion not only of cycling as a sport but also in terms of tourism.” ng 2015 edition ay nakatakda sa Pebrero 1 hanggang 4 sa susunod na taon.

Ang Stage One ay isang 126 kilometrong labanan papunta sa Ba-langa, habang ang Stage 2 (153.75 kms) ay buhat sa Balanga hanggang sa Iba (Zambales), ang Stage 3 (149.34 kms) ay galing sa Iba patungong Lingayen (Pangasinan) at ang Stage 4 (101 kms) sa Pebrero 4 ay sa Lingayen papuntang Burnham Park sa Baguio City via Kennon Road.

Ang Le tour de Filipinas ay ang tanging road race na isinama sa Asia Tour calendar ng International Cycling Union or UCI, ang world governing body para sa cycling.

Para sa 2015, uma-bot na sa 18 foreign teams ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para makasali sa cycling event.

Ngunit sinabi ng nag-oorganisang Ube Media na limitado lamang ang bilang ng mga partisipante sa 15 teams (limang riders bawat koponan), kasama ang national pool ng PhilCycling.

Ang iba pang sports events na nasa VPY 2015 program ay ang Sixth International Martial Arts and Games and Eighth International Martial Arts Congress, Mr. Apo Trek, Ninth Boracay International Dragon Boat Festival, Color Manila Run, 15th Philippine Hobie Challenge, Safeguard 5150 Triathlon, Xterra Albay Off-Road Triathlon Series, Regent 5150 Triathlon, Ironman 70.3 Philippines at ang Nestle Beach Volleyball.

ANG LE

ANG LE TOUR

ANG STAGE ONE

ASIA TOUR

BAGUIO CITY

BERT LINA

FILIPINAS

LE TOUR

VISIT THE PHILIPPINES YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with